Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedya sa korte
KASAMBAHAY kong kelot, mag-ingat-ingat sa inyong pagbibiro at baka makulong kayo ng dalawang dekada. Shout out muna sa apat na pastor kong kap3 sa Burol 2nd Pandi, Eduardo Halili, Reimbert Yap at 2 iba pa ng Marked Men for Christ Philippines. Ipinabibilanggo ng Kataastaasang Korte ang lalaking nanghipo sa pang-upo ng isang babaeng teen-ager. Pinagtibay ng high court ang pasya ng mababang husgadong "clear, candid at categorical" ang naturang usapin. Shout out din muna kina Binang First Bocaue, Bulacan Barangay Chairman Alfredo Quiambao, asahan ninyo ang buong suporta ng Komedya sa inyong pangasiwaan, brgy. Administrator Ricardo Sta. Ana, Lupong Tagapamayapa members Serapio Bautista, Reynaldo Dela Cruz, Mario Eustaquio, Oscar De Guzman, Alfredo San Juan, Victor Santiago, Helen Ayala, Necy De Vera at Orlando Sta. Maria, Izze Lizano. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dapat magdahan-dahan ang aplikante seaman sa pagpirma ng kontrata, hindi sakay na lang nang sakay dahil kailangang kumita, pagkatapos pag nabihag na nang pirate saka ngangawa. Para lamang iyang pagkonsidera sa uri ng barkong sasakyan, anila'y pinakamalaking magpasahod ang tanker nguni't mapanganib namang pumutok. Humilata na lang at ngumanga bahala nang kumalam sikmura. 17 Filipino seaman ang bihag ng pirating Yemeni. Itaas daw sa International Bargaining Forum ang usapin. Itinatag ang IBF noong 2003, usapan ng mga maritime employer, kinakatawan ng "Joint Negotiating Group", seafarers' unions, hinggil sa sweldo at kondisyon ng patrabaho sa seaman. Batay sa United Nations Conference on Trade and Development, pinakamalaking supplier ng seaman ang Pilipinas mula 2021, 400,000 Filipino seafarers overseas, average, mula 2016 hanggang 2021, anang Maritime Industry Authority. Batay kay House secretary general Reginald Velasco, gumastos ang opisina ni Speaker, House Secretariat at House member ng P39,605,123 mula January hanggang October 2023. P4,347,712 sa Office of the Speaker, P35,257,411 sa House Secretariat at iba pang kawani sa mga official trip. Binubusisi ng panel ni Parañaque Rep. Gus Tambunting sa utos ng plenaryo ang SMNI report "fake news" , paglabag sa probisyon ng legislative franchise nitong nakamit noong August 2019 para makakilos hanggang 25 taon, 2044. Jonathan Fernandez, muzta na, nagkakalimutan na tayo a. Problema ba, pag-usapan natin, ndgodino@yahoo.com.
No comments:
Post a Comment