| iskup2015 February 3 | Komedya o Komida Ni Derek Jorge Komedyanteng peryante NAGDIRIWANG daw Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ang mga sindikato ng sugalan dahil binigyang pag-asa ng mga tao ni Benhur at hindi ako naniniwalang alam ito ito ng kagalang-galang na kalihim interior. Shout out muna sa masarap na palugaw ni Kapitan Alfredo Quiambao, Konsehal Pablo De Guzman, Alexander Malvar, Roreilou Cando, Esperanza Benedicto at marami pang iba, nilugawang manok Kiwal, nabusog ako. Habang ginagawa ang new years ball ay nasa command post naman ng Camp Crame ang mga pasaway na sumisira sa bawat pamilyang nalululong sa sugal. Ang dami nyong ipamamana sa mga bata, bakit sugal pa? Bubuksan na raw sa sugal ang Kalakhang Maynila, sige lang baka ma-Torre kayo, ha Jun Mistica? Alam ko namang kabilang ako sa pinuproblema ng mga tata, Matagal na kayo sa PNP, hindi nyo pa alam ang "amicable settlement?" ipagpapalit ba naman ni Heneral sa P1 M ni Mistica ang Estrella nya? Sabagay, matagal na rin naman kayong kumikita e. Kaya hirap ang mga pasaway sa pagsustini ng intelihensya. Isang libo na raw ang social pension ng DSWD sa mga lolo't lola, hindi lang sana sa press release. Sige nga makapasyal sa munisipyo, makatsika kung paano pakikinabangan ni nana yang ang 90 anyos nya sa daigdig. Magkitakita tayo Marked Men sa petsa 20 sa preskong Baguio. Pero aalalayan ko muna si Derek Kim sa Iba, Zambales sa a-kinse. Kahit maglulupasay kayo sa korte suprema, ma-ABS-CBN pa rin kayo SMNI. | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment