Iskup news-on-line daily
1 Marso 2024, Biyernes
Iskup joins Christian world in observance of Lenten season
Watch out for Phase 2 Marked Men For Christ seminar this March
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komedyanteng Puertollano
HINDI marahil inakala ni Derek Puertollano , assistant solicitor general na masisibak sa Malacañang, manyakin ba naman dalawa nyang "legal interns." Kinasuhan si Puertollano ng administratibong "sexual harassment". Hindi na marahil matiis ng mga biktima ang panghihipo ng kanilang boss. Biruin ba naman ng kabastusan at pasukin sa banyo habang naliligo.
Kayo naman mga ineng, wala naman daw malisya, pinalaki nyo lang ang isyu. Pero may kasaysayan pala naman itong pasaway e, 2016, Puertollano, minolestiya ang 13 anyos na binatilyo. Nagbunga ang ka-el-lan ni tatang. Kayong mga nagsasamantala kina nene at totoy, may araw din kayo, malapit-lapit na. Patuloy kasambahay ang komedya ni Puloy, ipinagkakanulo daw siya ng gobyerno sa dayuhan. Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. "I have been given to foreigners…if this is true, own up to it... if I'm wrong, correct me…my life is now in danger," pag-iwas Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa mga kasong kriminal na kinakaharap ngayon ni Apollo Quibuloy, ang hirang na anak ng "dios". Sa kanyang mahigit kalahating oras na "audio recording" sa Facebook, naghihimutok si Puloy sa anya'y sabwatan ng kano at President Ferdinand Marcos Jr. na "rendition" sa halip na extradition ,pagtatangka raw sa buhay nya at ng kanyang mga myembro. Parang napanood ko na ito Kiwal. Minamanmanan daw sabi ni Puloy ang 11 nyang himpilan para dukutin sila. Iyon daw ay dahil sa pagiging malapit nila ng dating president at anak nito. May patong daw , tataniman daw ng bomba, baril at bawal na gamut ang kanyang kuta . Patuloy ang pambibitin ni Puloy sa patawag ng kongreso hinggil sa kanyang mga kaso. Kasambahay , dahan-dahan ang pagpapel sa "medya sosyal", baka ma-acosta kayo. Sinisingil ng Korte Suprema si PAO chief Persida Acosta ng P180,000 dahil sa maling posting sa facebook. Nilabag dawn i Percy ang Sections 2 at 14, Canon II Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA), pagpipiutagan sa hukuman. Kung mayroon nga raw protesta sa anumang inisyu ng korte, ideretso na sa kinauukulang porum. Lumalabas nga naman kasing malisyoso kapag itsinismis sa FB. Kung yung hindi lamang abogado, hepe pa ng pao, natrisyon ang simpleng mamamayan pa kaya. Kaya Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dahan-dahan sa fb, x, at iba pa. Komedyante rin talaga itong "hirang na anak ng dios" Apollo Quiboloy, may banta raw sa kanyang buhay. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 1 seminar sa Asia Pacific Theological Seminary, Baguio City. Itakda na agad-agad ang phase 2 Bishops Dante Agustin, Oliver Mutuc, Daniel Osorio. Hinihintay kasambahay ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hirit ekstradisyon ni Uncle Sam laban kay Puloy. Mayroon kasing usapang ekstradisyon kapwa ang Pinas at Tate na ibibiyahe sa mga ito ang kanikanilang tugis-kriminal. Puloy, kung gusto ni kano na itumba ka, matagal n asana. Wala hong Bureau of Immigration Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO),lalo na hold departure order si Puloy. Si puloy ay nahaharap sa mga kasong panggagahasa at cyberlibel sa Pinas. May seminar din tayo ng One Hope sa Sabado, magkita-kita tayo. Get well soon Maria Luisa Soriano ng Bagong Bansang Maharlika. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a..
No comments:
Post a Comment