24 Abril 2024, Miyerkulles
more birthdays to come JO GOD-SAVES MONTOJO LOPEZ
welcomes Bagong Bayani Monico Lopez Caranay
supports International Autism Day, April 1-8, 2024
supports DENR Earth Day, Every Day campaign
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Burdadong lespu
KASAMBAHAY na magpupulis, ipabura mo na ang tato mo dahil ang mga pulis na burdado ay pinakakalas na kung ayaw magbura ng tato. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Pepito Nicandro, Gerry Noel. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal PNP Memorandum Circular 2024-023 ang nagbabawal sa tato ng pulis, mantakin ninyong 30k pala ang magpabura ng tato o kaya'y magbitiw na sa pwesto kung nagtitigas-tigasan ng ulo. Pero hindi ligtas ang tatong nasa labi at kilay ng lady cop. Komedyante rin talaga itong si Tata Digong, malamang daw na sa pagod ng mga ahente ng gobyerno sa pagtugis sa puganteng si Puloy ay hindi makauuwi nang hindi mananamba na rin nito. Magkakatotoo lang ang sinabi mo kung walang gulugod o "backbone" ang pananampalataya ng mga sugo ng gobyerno. Pero kung mga taga-langit ang mga ito, hindi kailanman magogoyo ni Puloy. Ano naman kaya kung ideklarang "no man's land ang "Tamayong Prayer Mountain" ni Puloy gaya ng ginawa ni Tata Digong sa Marawi City at ng mga dating nasa poder ng pangasiwaan sa panahon ni Kamlon, tatagal kaya si Puloy laban sa buong pwersa ng pamahalaan? Malamang maraming "pinsalang kolateral", ang mga magtitigas-tigasan nang ulong panatiko ni Puloy pero aaminin kong "next to impossible "naman ito. Nagpapakatanggi-tanggi ho kasi ang lolo nyong kinakandili nya si Puloy. Ipinapapakete na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga serbisyong ultrasound at mammogram. Ipinahaharang ho ng mga maka-puloy ang pagpapaaresto rito ng senado dahilan sa pangiisnab nito sa hearing. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, kung saka-sakali, mararagdagan ang santang pango. Tumango na ang batikanong simulan ng simbahang katoliko ang proseso sa pagiging santa ni Nina Ruiz-Abad ng Sarrat, Ilocos Norte, Nagpamudmod lang ng kung ano-ano noong nabubuhay pa, santa na. Mas mabuti naman ito kaysa ang sunong sariling bangkong nagtatagong Puloy, anak daw ng dios. May utang ho kasi kasambahay si Ka Bella na 10k kay Olang, OFW sa Timbukto, nakahuhulog raw ho naman itong si Bells pero hindi pa panahon ng paghuhulog ay sinisingil na at nang mabigong maghulog dahil nga hindi pa naman panahon, inimarites sa facebook. Olang, sa galing-galing na ikaw ang may renda ng sitwasyon ngayon ikaw na ang marerendahan. Ang atraso ni Bells ay "sum of money" o "small claim", kapag binayaran, quits na. Pero ang nasirang karangalan dahil sa marites sa fb, hindi na maibabalik pa. Wika ni Elong ay palitan naman ng paninira sa fb iyon, para nga makita ko, humarap kayo. Sa oras na maireklamo ni Bells si Olang sa pulis anti-cyber crime, posible syang mapauwi, baka pagsisihan nya ito at pati na kayong mga walang malasakit na nakikinabang kay Olang magugutom. Ano ba naman yung 5 minutong pagtityaga kung ihahambing sa pagkaresolba sa napipintong himagsikan.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. Salamat JO! Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.
No comments:
Post a Comment