Guni gunihin ninyo na nanonood kayo ng isang eksena ng isang pelikula sa isang maliit na TV screen.
Sa eksenang ito nakikita ang isang babaeng ngumingiti, subalit, dahil sa ang screen ay sobrang maliit, wala ibang nakikita kundi na ang babae ay ngumingiti.
Pero ano ba talaga ang ibig sabihin na ang babae ay ngumingiti?
Mahirap sabihin kung sa screen ay hindi nakikita ang kontexto kung saan siya ay nagsasaya.
Ngumingiti ba siya dahil nasa isang salu-salo siya? O baka naman may serial killer sa likod niya na may hawak na baril at nagsasabi: "ngumiti ka o babariling kita".
Ang halimbawang ito ay nagpapakita na wala masyadong saysay ang mga indibiduwal na situwasyon, pangyayari at bagay kung walang "backdrop" na nagbibigay-kahulugan sa mga ito.
Maraming Pilipino (at tao sa pangkahalatang) ay umaabot sa padalus-dalos na konklusyon at desisyon dahil hindi isinasaalang-alang nila ang "backdrop" na nagbibigay kahulugan sa mga situwasyon na bumabangon sa buhay....
No comments:
Post a Comment