Posible bang abutin ang pandaigdig na kapayapaan?
Para abutin ang pandaigdig na kapayapaan ang kailangan ay na lahat ng mga bansa, gobyerno, kultura at systema ng ekonomya ay nagkakasundo.
Kaso mahirap maging para sa dalawang malapit na mga kaibigan o mag-asawa ang lubusang pagkakasundo at ganap na kawalang alitan.
Sa totoo napakahirap maging para sa iba't ibang mga bahagi ng personalidad ng isang indibiduwal ang pagkakasundo.
Baka isang bahagi natin ay may gustong kumain ng isang bucket ng ice cream samantala ang ibang parte natin ay may tunguhin na pumayat.
Interesting ang sinasabi ng isang bersikulo ng Griegong Kasulatan: "Ano ang pinagmumulan ng mga digmaan at ng mga pag-aaway ninyo? Hindi ba nagmumula ang mga iyon sa inyong mga pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa inyo?".
Dahil ang populasyon ng lupa ay binubuo ng bilyong-bilyon mga taong hindi nagtataglay ng panloob na kapayapaan at hindi rin kadalasang taglay ang kakayahang magkasundo sa pinakamalapit na kapwa, papaano magkakaroon ng pangglobong kapayapaan sa ilalim ng gobyerno ng mga taong may kaguluhan maging sa kanilang loob?
No comments:
Post a Comment