28 Mayo 2024, Martes
Happy 48th Anniversary Mariveles Baptist Church, Mariveles, Bataan
City of Makati, France in June
supports World Press Freedom Day, May 3
Register now and vote in midterm polls
supports International Nurses' Day
happy Birthday Andrea Mae Sebugan, more birthdays to come
Aspirants file your certificate of candidacy on October 1-8,2024
Substitute candidates must be with same surname and political party
Partylist must file Certificate of Nomination and Acceptance
supports May, Cardiac Illness Prevention Month
No to Divorce!!!
Get well soon Nanay Angelita Santiago-Lopez
PM for any hospital discharge problem
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Komida Pransya
KOMIDA itong kapana-panabik na sorpresang handog ng embahada ng Pransya sa Pilipinas, magpapatikim sila ng pagkaing lutong Pranses sa lansangan ng Makati City. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Pepito Nicandro, Gerry Noel. Sa mga mahihilig sa event, antabayanan ninyo ito. Magpapatikim ang mga Pranses ng putahe, alak, lutong Pinoy na itatampok sa French Food Market sa mga lansangan ng lungsod Makati sa Hunyo 1 at 2, 2024. "French street food, crêpes, pastries and other delights with wines, liqueurs, coffees and beverages will be presented by Goût de France (Good France) Street Market on tree-lined Paseo Avenue along Ayala Triangle on June 1 to 2." "Goût de France" ay ipinakilala kasambahay noong taong 2015 ng French Ministry of Foreign Affairs kapartner si chef Alain Ducasse. Nasa 20 French restaurant at pangunahing otel ang kalahok sa Goût de France hatid ang "special Goût de France menu" sa buong lingo hanggang June 9. Komedyante itong ospital sa kabayanan ng Bocaue, Bulacan, hindi nga ho ito kasambahay naniningil ng deposito agad at palilipasin muna ang 24 oras pero bawal ang promisorry letter. . Pagkuha mo Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ng kwarto sa ipaaadmit mong pasyente, walang charity ward doon, P1,900 at P2,200 lang ang halaga ng room, palalagdaan sa iyo ang kasulatang bawal ang promisorry letter. Sige lang pirma, pero alam naman ng mga abogado nitong ospital na may "Anti-hospital hostage law" na hindi dahilan ang kakapusan mon ang pananalapi upang hindi ka pauwiin kung galling ka na at ang unang hakbang para magamit mo ang batas ayh PM. PM lang din ho sa akin kung may problema kayo sa discharge ng inyong pasyente. Pagbati sa mga kongresistang nagsisikap pagmalasakitan ang kapakanan naming mga nakatatanda-pagpapanatili sa 20% diskwento sa mga pangunahing pangangailangan. . Pero bakit kaya hanggang 20% lang Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dahil ba tinatanggal lang ang tubo sa puhunan at hindi ito kailangang galawin? Sa panukala nitong ilang deputado, ipinasasaklaw sa diskwento kahit mga produktong ipinakikilala pa lamang sa pamamagitan ng "promo". Ipinaggigiitan ho ng mga hotel na ang mga ratang nasa promo gaya ng P500 ang sampung oras na pamamalagi na hindi saklaw ng 20% discount. Yun ho kasing promo ng kumpanya ay para sa kapakanan nito, paano naman ang batas na nilalabag na, dapat pang idiskwento ang nasa promo. Gusto ko ring tingkiin ang petrolyo, gasoline at krudo ng nagpapakargang senior citizen, dapat ikonsidera rin. Komedya na naman ang magaganap sa mga lansangan sa pagtataguang pung at girian ng mga "unconsolidated traditional jeepney" at magsisiga-sigaang enforcer. Tapos na kasi kasambahay ang grace period ng mga uncon at simul ana ng tugisan ng mga kulorum. Tyak magtatago ang mga kulorum hanggang manghinawa ang mga tugis boys. Alam nyo naman ang ugaling ningas-kugon, di pa rin nawawala at alam ng mga kulorum yun, pahinga muna, payagay-tagay muna. Pagkatapos ng sigwada, muling mamamayagpag ang mga kulorum, "happy days are here again". Dyan nga Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa Imus City, Cavite, marami sa mga traditional jeepney ang ni walang ruta sa gilid, byaheng Dasmarinas City bayan-Imus City proper, kinunsinte ng mga awtoridad at pamahalaang lokal. Inutil rin dyan ang bantay-kulorum. Mababawasan kasambahay ang komedya sa munisipyo, city hall at barangay hall dahil mauudlot ang pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda ng mga pulitiko. . Hindi na ho kasi kasambahay idaraan sa opisina ng mga ehekutibo lokal ang ayuda ni Social Welfare secretary Rex Gatchalian. Ito ho bang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Ang konswelo na lang ni Mayor at barangay chairman ay makapagmasid sa pamimigay, iniiwasan na ho kasi Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na akalain ninyong mula sa pulitiko iyon kaya muling maiboboto sa nalalapit na naming halalan. Komedya naman talaga itong nagaganap sa ating hudikatura, makaraan kasambahay ng mahigit isang dekadang paglilitis, katarungan nang tinatawag ang pagkakakulong ng tigagalawang taon ng dalawang saragateng tsuper na kahit tinawag ng korteng maingat naman sa pagmamaneho ay nakamatay pa rin ng beteranang mamamahayag at edukador. Makukulong nga kasambahay itong dalawang tsuper Daniel Espinosa at Victor Ancheta makaraang mapatunayan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 83 Judge Ralph Lee na nagkasala ng reckless imprudence resulting in damage to property with homicide sa pagkamatay ng journalist at UP Professor Chit Estella. Pinagbabayad naman kapwa ang Universal Guiding Star Bus Line Corp. at Nova Auto Transport Bus Corporation ng P7.46 milyong "moral and exemplary damage" sa pamilya ni Estella o Lourdes Estella-Simbulan. Masasabing nasa "wrong place at wrong time" si Chit nang mga panahong iyon. Itong tsuper ng traditional jeepney byaheng Sto. Nino -Meycauayan City, mas pinili pang libre pamasahe kaysa tanggapin ang perang papel na P20, baka raw kasi hindi tanggapin mula sa kanya. Kasambahay, hangga't hindi pinawawalang-bisa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinalaganap nitong salapi sa bansa, kung nababasa pa naman ang serial number, hindi ito pwedeng hindi tanggapin. Isinukli din naman sa akin ang P20, at tinanggap ko naman kaya kailangang tanggapin mo rin driver, ang katangahan, hindi ipinag-aaraw-araw yan. Kung walang tatanggap, ang bangko, kahit anong bangko tatanggapin yan. Kasama yan sa hanap-buhay mo driver, kung wala pala akong alam, ibang salapi pa ang ibabayad mo, nungka. Consolidated na ba yang jeep mo, kung hindi magtago ka na. Tinutugis ho ngayon ng mga pulis ang kabaro nilang babae dahil nahuling nakikipagniig sa kapwa pulis at huli rin ng maybahay ang katalik. Hindi kinilala ni Col. Fajardo ang pasaway sa matinding kahihiyan, sino kaya ang life coach niyan? Nananawagan kasambahay ang obispong katoliko sa mga panatikong magdasal para ulanin. Noong araw ipinagpuprusisyon pa ng mga panatiko ang paghingi ng ulan kaya lang galit ang itaas sa pagkikilik ng imahen sa prusisyon dahil iyon ay dinidiyos pa kaysa Kanya. Paano diringgin kung mali ang pamamaraan. Lalo lamang lalala ang sitwasyon kung hindi matututuhan ng tao ang tamang pagtawag sa nasa Itaas.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. Salamat JO1 Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.
No comments:
Post a Comment