DavaoPlus

Monday, 13 May 2024

iskup news-on-line daily

14 Mayo 2024, Martes Happy 48th Anniversary Mariveles Baptist Church, Mariveles, Bataan Register now and vote in midterm polls supports International Nurses' Day happy Birthday Andrea Mae G. Sebugan, more birthdays to come Komedya o …
Read on blog or Reader
Site logo image ISKUP! Read on blog or Reader

iskup news‑on‑line daily

iskup2015

May 14

14 Mayo 2024, Martes

Happy 48th Anniversary Mariveles Baptist Church, Mariveles, Bataan

Register now and vote in midterm polls

supports International Nurses' Day

happy Birthday Andrea Mae G. Sebugan, more birthdays to come

Komedya o Komida

Ni Derek Jorge

Komedyang hudikatura

 KOMEDYA naman talaga itong nagaganap sa ating hudikatura, makaraan kasambahay ng mahigit isang dekadang paglilitis, katarungan nang tinatawag ang pagkakakulong ng tigagalawang taon ng dalawang saragateng tsuper na kahit tinawag ng korteng maingat naman sa pagmamaneho ay nakamatay pa rin ng beteranang mamamahayag at edukador. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Pepito Nicandro, Gerry Noel. Makukulong nga kasambahay itong dalawang tsuper  Daniel Espinosa at Victor Ancheta makaraang mapatunayan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 83 Judge Ralph Lee na nagkasala ng reckless imprudence resulting in damage to property with homicide sa pagkamatay ng journalist at UP Professor Chit Estella. Pinagbabayad naman kapwa ang Universal Guiding Star Bus Line Corp. at Nova Auto Transport Bus Corporation ng P7.46 milyong "moral and exemplary damage" sa pamilya ni  Estella o Lourdes Estella-Simbulan. Masasabing nasa "wrong place at wrong time" si Chit nang mga panahong iyon.  Pasaway itong tsuper ng traditional jeepney byaheng Sto. Nino -Meycauayan City, mas pinili pang libre pamasahe kaysa tanggapin ang perang papel na P20, baka raw kasi hindi tanggapin mula sa kanya. Kasambahay, hangga't hindi pinawawalang-bisa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinalaganap nitong salapi sa bansa, kung nababasa pa naman ang serial number, hindi ito pwedeng hindi tanggapin. Isinukli din naman sa akin ang P20, at tinanggap ko naman kaya kailangang tanggapin mo rin driver, ang katangahan, hindi ipinag-aaraw-araw yan. Kung walang tatanggap, ang bangko, kahit anong bangko tatanggapin yan. Kasama yan sa hanap-buhay mo driver, kung wala pala akong alam, ibang salapi pa ang ipababayad mo, nungka. Tinutugis ho ngayon ng mga pulis ang kabaro nilang babae dahil nahuling nakikipagniig sa kapwa pulis at huli rin ng maybahay ang katalik. Hindi kinilala ni Col. Fajardo ang pasaway sa matinding kahihiyan, sino kaya ang life coach niyan? Sinusorpresa pa ng tambalang Dingdong Dantes at Charo Santos ang publiko hinggil sa pamagat ng kanilang unang pelikulang magkasama. Nagsimula raw kasambahay ang istorya sa pagkakaibigang humantong sa magandang ugnayan. Tengang ngiti ang iniukol ng Amazing Earth host sa kaakit-akit na si Tindeng sa set ng pelikula, abangan na lang kasambahay.Nananawagan kasambahay ang obispong katoliko sa mga panatikong magdasal para ulanin. Noong araw ipinagpuprusisyon pa ng mga panatiko ang paghingi ng ulan kaya lang galit ang itaas sa pagkikilik ng imahen sa prusisyon dahil iyon ay dinidiyos pa kaysa Kanya. Paano diringgin kung mali ang pamamaraan. Lalo lamang lalala ang sitwasyon kung hindi matututuhan ng tao ang tamang pagtawag sa nasa Itaas. Masdan  nyo kasambahay ang nagagawa ng pera, hindi madampot-dampot itong si Puloy kahit sandamukal ang mandamyento de aresto, maliban sa "delaying tactics" gawa ng 'sang batalyon nitong abogado, malawak din ang taguan nito. Hinihirit ho ngayon ni Puloy na dinggin ng Korte Supremang mga manananggol na lamang ni Puloy ang lulutang at magpapabango ng kanyang baho. Pwede yun sa mga kasong pinapipyansahan ng hukuman e yung hindi, hindi naman pwedeng magpakulong abogado para sa kanya. Ito kasambahay ang sinasabing lahat ng usapin ay mapipyansahan, depende sa laro ng abogado. Ipaghalimbawa na sa mga piitan, kaya may nakapiit ay dahil walang pampyansa at de kampanang abogadong magtatanggol.

Kasambahay na magpupulis, ipabura mo muna ang tato mo dahil ang mga pulis na burdado ay pinakakalas na kung ayaw magbura ng tato. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal PNP Memorandum Circular 2024-023 ang nagbabawal sa tato ng pulis, mantakin ninyong 30k pala ang magpabura ng tato o kaya'y magbitiw na sa pwesto kung nagtitigas-tigasan ng ulo. Pero hindi ligtas ang tatong nasa labi at kilay ng lady cop. Komedyante rin  talaga itong si Tata Digong, malamang daw na sa pagod ng mga ahente ng gobyerno sa pagtugis sa puganteng si Puloy ay hindi makauuwi nang hindi mananamba na rin nito. Magkakatotoo lang ang sinabi mo kung walang gulugod o "backbone" ang pananampalataya ng mga sugo ng gobyerno. Pero kung mga taga-langit ang mga ito, hindi kailanman magogoyo ni Puloy. Ano naman kaya kung ideklarang "no man's land ang "Tamayong Prayer Mountain"  ni Puloy gaya ng ginawa ni Tata Digong sa Marawi City at ng mga dating nasa poder ng pangasiwaan sa panahon ni Kamlon, tatagal kaya si Puloy laban sa buong pwersa ng pamahalaan? Malamang maraming "pinsalang kolateral", ang mga magtitigas-tigasan nang ulong panatiko ni Puloy pero aaminin kong "next to impossible "naman ito. Nagpapakatanggi-tanggi ho kasi ang lolo nyong kinakandili nya si Puloy. Ipinapapakete na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga serbisyong ultrasound at mammogram.   Ipinahaharang ho ng mga maka-puloy ang pagpapaaresto rito ng senado dahilan sa pangiisnab nito sa hearing. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, kung saka-sakali, mararagdagan ang santang pango. Tumango na ang batikanong simulan ng simbahang katoliko ang proseso sa pagiging santa ni Nina Ruiz-Abad ng Sarrat, Ilocos Norte, Nagpamudmod  lang ng kung ano-ano noong nabubuhay pa, santa na. Mas mabuti naman ito kaysa ang sunong sariling bangkong nagtatagong Puloy, anak daw ng dios. 

Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a..    Salamat JO! Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

ISKUP! © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at May 13, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2026 (8)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.