2 Mayo 2024, Huwebes
Happy 48th Anniversary Mariveles Baptist Church, Mariveles, Bataan
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Dasal para ulanin
NANANAWAGAN kasambahay ang obispong katoliko sa mga panatikong magdasal para ulanin. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Pepito Nicandro, Gerry Noel. Noong araw ipinagpuprusisyon pa ng mga panatiko ang paghingi ng ulan kaya lang galit ang itaas sa pagkikilik ng imahen sa prusisyon dahil iyon ay dinidiyos pa kaysa Kanya. Paano diringgin kung mali ang pamamaraan. Lalo lamang lalala ang sitwasyon kung hindi matututuhan ng tao ang tamang pagtawag sa nasa Itaas. Masdan nyo kasambahay ang nagagawa ng pera, hindi madampot-dampot itong si Puloy kahit sandamukal ang mandamyento de aresto, maliban sa "delaying tactics" gawa ng 'sang batalyon nitong abogado, malawak din ang taguan nito. Hinihirit ho ngayon ni Puloy na dinggin ng Korte Supremang mga manananggol na lamang ni Puloy ang lulutang at magpapabango ng kanyang baho. Pwede yun sa mga kasong pinapipyansahan ng hukuman e yung hindi, hindi naman pwedeng magpakulong abogado para sa kanya. Ito kasambahay ang sinasabing lahat ng usapin ay mapipyansahan, depende sa laro ng abogado. Ipaghalimbawa na sa mga piitan, kaya may nakapiit ay dahil walang pampyansa at de kampanang abogadong magtatanggol.
Kasambahay na magpupulis, ipabura mo muna ang tato mo dahil ang mga pulis na burdado ay pinakakalas na kung ayaw magbura ng tato. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal PNP Memorandum Circular 2024-023 ang nagbabawal sa tato ng pulis, mantakin ninyong 30k pala ang magpabura ng tato o kaya'y magbitiw na sa pwesto kung nagtitigas-tigasan ng ulo. Pero hindi ligtas ang tatong nasa labi at kilay ng lady cop. Komedyante rin talaga itong si Tata Digong, malamang daw na sa pagod ng mga ahente ng gobyerno sa pagtugis sa puganteng si Puloy ay hindi makauuwi nang hindi mananamba na rin nito. Magkakatotoo lang ang sinabi mo kung walang gulugod o "backbone" ang pananampalataya ng mga sugo ng gobyerno. Pero kung mga taga-langit ang mga ito, hindi kailanman magogoyo ni Puloy. Ano naman kaya kung ideklarang "no man's land ang "Tamayong Prayer Mountain" ni Puloy gaya ng ginawa ni Tata Digong sa Marawi City at ng mga dating nasa poder ng pangasiwaan sa panahon ni Kamlon, tatagal kaya si Puloy laban sa buong pwersa ng pamahalaan? Malamang maraming "pinsalang kolateral", ang mga magtitigas-tigasan nang ulong panatiko ni Puloy pero aaminin kong "next to impossible "naman ito. Nagpapakatanggi-tanggi ho kasi ang lolo nyong kinakandili nya si Puloy. Ipinapapakete na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga serbisyong ultrasound at mammogram. Ipinahaharang ho ng mga maka-puloy ang pagpapaaresto rito ng senado dahilan sa pangiisnab nito sa hearing. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, kung saka-sakali, mararagdagan ang santang pango. Tumango na ang batikanong simulan ng simbahang katoliko ang proseso sa pagiging santa ni Nina Ruiz-Abad ng Sarrat, Ilocos Norte, Nagpamudmod lang ng kung ano-ano noong nabubuhay pa, santa na. Mas mabuti naman ito kaysa ang sunong sariling bangkong nagtatagong Puloy, anak daw ng dios.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. Salamat JO! Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.
No comments:
Post a Comment