16 Mayo 2024, Huwebes
Happy 48th Anniversary Mariveles Baptist Church, Mariveles, Bataan
Register now and vote in midterm polls
supports International Nurses' Day
happy Birthday Andrea Mae Sebugan, more birthdays to come
Aspirants file your certificate of candidacy on October 1-8, 2024
Substitute candidates must be with same surname and political party
Partylist must file Certificate of Nomination and Acceptance
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Taguang pung sa kalye
KOMEDYA na naman ang magaganap sa mga lansangan sa pagtataguang pung at girian ng mga "unconsolidated traditional jeepney" at magsisiga-sigaang enforcer. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Pepito Nicandro, Gerry Noel. Tapos na kasi kasambahay ang grace period ng mga uncon at simul ana ng tugisan ng mga kulorum. Tyak magtatago ang mga kulorum hanggang manghinawa ang mga tugis boys. Alam nyo naman ang ugaling ningas-kugon, di pa rin nawawala at alam ng mga kulorum yun, pahinga muna, payagay-tagay muna. Pagkatapos ng sigwada, muling mamamayagpag ang mga kulorum, "happy days are here again". Dyan nga Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa Imus City, Cavite, marami sa mga traditional jeepney ang ni walang ruta sa gilid, byaheng Dasmarinas City bayan-Imus City proper, kinunsinte ng mga awtoridad at pamahalaang lokal. Inutil rin dyan ang bantay-kulorum. Mababawasan kasambahay ang komedya sa munisipyo, city hall at barangay hall dahil mauudlot ang pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda ng mga pulitiko. . Hindi na ho kasi kasambahay idaraan sa opisina ng mga ehekutibo lokal ang ayuda ni Social Welfare secretary Rex Gatchalian. Ito ho bang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Ang konswelo na lang ni Mayor at barangay chairman ay makapagmasid sa pamimigay, iniiwasan na ho kasi Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na akalain ninyong mula sa pulitiko iyon kaya muling maiboboto sa nalalapit na naming halalan. Komedya naman talaga itong nagaganap sa ating hudikatura, makaraan kasambahay ng mahigit isang dekadang paglilitis, katarungan nang tinatawag ang pagkakakulong ng tigagalawang taon ng dalawang saragateng tsuper na kahit tinawag ng korteng maingat naman sa pagmamaneho ay nakamatay pa rin ng beteranang mamamahayag at edukador. Makukulong nga kasambahay itong dalawang tsuper Daniel Espinosa at Victor Ancheta makaraang mapatunayan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 83 Judge Ralph Lee na nagkasala ng reckless imprudence resulting in damage to property with homicide sa pagkamatay ng journalist at UP Professor Chit Estella. Pinagbabayad naman kapwa ang Universal Guiding Star Bus Line Corp. at Nova Auto Transport Bus Corporation ng P7.46 milyong "moral and exemplary damage" sa pamilya ni Estella o Lourdes Estella-Simbulan. Masasabing nasa "wrong place at wrong time" si Chit nang mga panahong iyon. Itong tsuper ng traditional jeepney byaheng Sto. Nino -Meycauayan City, mas pinili pang libre pamasahe kaysa tanggapin ang perang papel na P20, baka raw kasi hindi tanggapin mula sa kanya. Kasambahay, hangga't hindi pinawawalang-bisa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pinalaganap nitong salapi sa bansa, kung nababasa pa naman ang serial number, hindi ito pwedeng hindi tanggapin. Isinukli din naman sa akin ang P20, at tinanggap ko naman kaya kailangang tanggapin mo rin driver, ang katangahan, hindi ipinag-aaraw-araw yan. Kung walang tatanggap, ang bangko, kahit anong bangko tatanggapin yan. Kasama yan sa hanap-buhay mo driver, kung wala pala akong alam, ibang salapi pa ang ibabayad mo, nungka. Consolidated na ba yang jeep mo, kung hindi magtago ka na. Tinutugis ho ngayon ng mga pulis ang kabaro nilang babae dahil nahuling nakikipagniig sa kapwa pulis at huli rin ng maybahay ang katalik. Hindi kinilala ni Col. Fajardo ang pasaway sa matinding kahihiyan, sino kaya ang life coach niyan? Nananawagan kasambahay ang obispong katoliko sa mga panatikong magdasal para ulanin. Noong araw ipinagpuprusisyon pa ng mga panatiko ang paghingi ng ulan kaya lang galit ang itaas sa pagkikilik ng imahen sa prusisyon dahil iyon ay dinidiyos pa kaysa Kanya. Paano diringgin kung mali ang pamamaraan. Lalo lamang lalala ang sitwasyon kung hindi matututuhan ng tao ang tamang pagtawag sa nasa Itaas. Masdan nyo kasambahay ang nagagawa ng pera, hindi madampot-dampot itong si Puloy kahit sandamukal ang mandamyento de aresto, maliban sa "delaying tactics" gawa ng 'sang batalyon nitong abogado, malawak din ang taguan nito. Hinihirit ho ngayon ni Puloy na dinggin ng Korte Supremang mga manananggol na lamang ni Puloy ang lulutang at magpapabango ng kanyang baho. Pwede yun sa mga kasong pinapipyansahan ng hukuman e yung hindi, hindi naman pwedeng magpakulong abogado para sa kanya. Ito kasambahay ang sinasabing lahat ng usapin ay mapipyansahan, depende sa laro ng abogado. Ipaghalimbawa na sa mga piitan, kaya may nakapiit ay dahil walang pampyansa at de kampanang abogadong magtatanggol.
Kasambahay na magpupulis, ipabura mo muna ang tato mo dahil ang mga pulis na burdado ay pinakakalas na kung ayaw magbura ng tato. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal PNP Memorandum Circular 2024-023 ang nagbabawal sa tato ng pulis, mantakin ninyong 30k pala ang magpabura ng tato o kaya'y magbitiw na sa pwesto kung nagtitigas-tigasan ng ulo. Pero hindi ligtas ang tatong nasa labi at kilay ng lady cop. Komedyante rin talaga itong si Tata Digong, malamang daw na sa pagod ng mga ahente ng gobyerno sa pagtugis sa puganteng si Puloy ay hindi makauuwi nang hindi mananamba na rin nito. Magkakatotoo lang ang sinabi mo kung walang gulugod o "backbone" ang pananampalataya ng mga sugo ng gobyerno. Pero kung mga taga-langit ang mga ito, hindi kailanman magogoyo ni Puloy. Ano naman kaya kung ideklarang "no man's land ang "Tamayong Prayer Mountain" ni Puloy gaya ng ginawa ni Tata Digong sa Marawi City at ng mga dating nasa poder ng pangasiwaan sa panahon ni Kamlon, tatagal kaya si Puloy laban sa buong pwersa ng pamahalaan? Malamang maraming "pinsalang kolateral", ang mga magtitigas-tigasan nang ulong panatiko ni Puloy pero aaminin kong "next to impossible "naman ito. Nagpapakatanggi-tanggi ho kasi ang lolo nyong kinakandili nya si Puloy. Ipinapapakete na rin ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga serbisyong ultrasound at mammogram.
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. Salamat JO1 Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.
No comments:
Post a Comment