Ang isa sa mga bagay na napansin ko tungkol sa Pinoy mentality ay ang sikolohykal na pangangailangan ng maraming Pilipino na magpagabay sa isang malakas na lider.
Pero, ano ba talaga ang isang lider? Siya ba ay ang isang makapangyarihang pulitiko? Ang isa na nagtataglay ng awtoridad at kontrol sa ibabaw ng isang malaking pulutong?
Ang ideya na nasa isip ko ay na ang isang tootoong lider ay ang sinumang taong nagtataglay ng maliwanag na ideya tungkol sa kung papaano pasulungin ang isang kasalukuyang negatibong situwasyon at na may epektibong estratehya tungkol sa kung papaano baguhin ang sitwasyong ito at na may epektibong paraan para kumbinsihin ang iba na kailangang gawin ang pagbabagong iyon.
Batay sa ganitong ideya ng pagiging lider, ang isang tunay na lider ay maaaring isang may asawang sawa sa isang relasyong hindi sumusulong, kung saan walang pasyon at kaya niyang akayin ang kanyang kabiyak sa isang relasyong may mas mataas na antas.
O baka naman ang isang ulo ng pamilya na nagmamalasakit tungkol sa kalusugan ng kanyang mga anak o asawa at kaya niyang silang kumbinsihin na kumain nang mas malusog.
Maging Lider ng Sarili
Syempre naman para maging posible ito ang kailangang mangyari una sa lahat ay na ang tunay na lider ay lider ng sarili niya. Paano halimbawa kukumbinsihin ko ang asawa ko na kumain nang healthy kung ako mismo ay walang pagpipigil ng sarili?
Tanggapin ang Personal na Responsibilidad
Hindi sinisisi ng isang tunay na lider ang iba dahil sa kanilang kawalang kakayahang magbago: ang sinisisi niya ay ang sarili niya kawalang kakayahang kumbinsihin sila.
Kung matigas ang ulo ng mga tagasunod ng lider walang saysay patuloy na sisihin ang kanilang katigasan ng ulo: ang tanging magagawa ng lider ay patuloy na i-adjust ang kanyang paglapit at komunikasyon sa kanila.
Mabuhay sa Labas ng Comfort Zone
Ang dahilan kung bakit ang karamihan ay naka-stuck sa kanilang negatibong ugali ay dahil sa tinatawag na "homeostasis". Walang mangyayari kung walang lider na handang umangat sa ibabaw ng kung saan komportable ang karamihan. Ang isang lider ay dapat na maging komportable sa di-komportableng mga situwasyon.
Linangin ang Sining ng Mahusay na Komunikasyon
Walang saysay na ang isang lider ay may mas mataas na ideya tungkol kung saan akayin ang kanyang mga kapamilya, kabayan, estudiante etc. kung hindi siya marunong gumamit ng nakakakumbinsing mga argumento at pangangatuwiran.
Walang duda na ang Pilipinas ay nangangailangan ng isang mahusay na lider.
Ngunit wala yata maraming mangyayari kung ang mga ordinaryong tao ay umaasa lang: kailangan mag-step up ang bawat isa at maging lider sa kanyang maliit na mundo...
No comments:
Post a Comment