Tayong lahat ay pamilyar sa kasabihang "kung pinag-iisipan natin ang positibong mga kaisipan aanihin natin positibong mga resulta at kung ang pinag-iisipan natin ay negatibong mga kaisipan ang aanihin ay negatibong mga resulta".
Pero, ano ba talaga ang nasangkot sa pagkakaroon ng positibong saloobin?
Baka ang pinakamabuting paraan para ilarawan ito ay sa pamamagitan ng isang sinaunang Zen na kuwento.
Ang kwentong ito ay may kinalaman sa isang magsasaka, at ang magsasakang ito ay mayroon siyang kabayo bilang kanyang tanging hanapbuhay.
Minsan, kapag ang magsasaka ay abala sa paghahasik sa kanyang lupa, ang kabayo ay biglang tumakas.
Pagkarinig ito ng mga kabayan niya sila ay bumisita sa magsasaka at sinabi nila sa magsasaka: "ikinalulungkot namin ang masamang nangyari sa iyo".
Ngunit nagulat sila sa naging sagot ng magsasaka: "baka masama ang nangyari sa akin, pero sino ba talaga ang nakakaalam? Baka positibong bagay ito"
Talagang nagtaka ang mga kabayan niya: "paano nagiging isang positibong bagay ang pangyayaring ito? Ang kabayo mo, ang tanging kabayo mo ay tumakas...paano ka na?"
Sabi ng magsasaka: "baka masama ang nangyari pero, baka, maganda ang nangyari"
Makalipas ang tatlong araw ang kabayo ay bumalik sa magsasaka at mayroon siyang dala 3 pang kabayo: ngayon ang magsasaka ay may pinakaraming mga kabayo sa buong bayan.
Muling bumisita sa kanya ang mga taga-nayon para sabihin kung gaano kasaya sila sa mabuting nangyari sa magsasaka....kaso, sinabi ng magsasaka na baka ito ay isang masamang nangyari...
Nagulat talaga ang mga taga-nayon.
Subalit, makalipas ang tatlong araw, habang pinapakain ng anak ng magsasaka ang isa sa mga bagong kabayo, sinipa siya ng kabayo at nabali ang kanyang binti.
Muling bumisita ang mga taga-nayon para sabihin kung gaano sila kalungkot sa napakasamang nangyari sa magsasaka.
Ngunit muling sinagot ng magsasaka na baka ito ay positibong nangyari...
Makalipas naman ang tatlong araw, dumating sa bayan ang mga opisyal ng hukbo para kunin lahat ng mga kabataang lalaki para makipag-digma sa malayong lupain... ngunit hindi naging posible kumuha ng anak ng magsasaka dahil...buweno...nabali ang kanyang binti.
Maliwanag ang aral dito: kung minsan may mga pangyayaring itinuturi natin bilang negatibong situwasyon, ngunit ang mga ito ay nagiging pinto ukol sa positibong mga resulta.
Halimbawa: mawawalan tayo ng trabaho at, dahil dito, marami tayong oras para sa mga anak natin at, dahil dito, nagiging mas malapit tayo sa kanila.
Ang listahan ng mga wari negatibong situwasyon na naglalaman ng binhi para sa positibong mga resulta sa hinaharap ay walang katapusan...kung handa nating makita ang potensyal na positibong mga bagay sa bawat nangyayari sa atin...
No comments:
Post a Comment