DavaoPlus

Wednesday, 29 May 2024

Seryeng “Suwala Sëkëlungon” nilunsad ng KAL, UP IHR

Mula "Upi" patungong "UP", Mula "UP" pabalik ng "Upi": Panayam talakayan ng mga cultural bearers mula sa Maguindanao  Nilunsad ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) sa ilalim ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) Programang Pagp…
Read on blog or Reader
Site logo image University of the Philippines Read on blog or Reader

Seryeng "Suwala Sëkëlungon" nilunsad ng KAL, UP IHR

Percy Dahe

May 30

Mula "Upi" patungong "UP", Mula "UP" pabalik ng "Upi": Panayam talakayan ng mga cultural bearers mula sa Maguindanao 

Nilunsad ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) sa ilalim ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) Programang Pagpapamana ng Dunong Katutubo at ng Institute of Human Rights ng UP Law Center (UP IHR) ang serye ng mga panayam-talakayan na ginanap noong ika-21 at 22 ng Mayo 2024 sa Bocobo Hall, UP Law Center at Malcolm Theater, Malcolm Hall, UP College of Law, UP Diliman.

Ang pagtaguyod sa tertulyang panlegalidad kultural ay bahagi ng "Suwala Sëkëlungon: Tinig at Talinghaga ng mga Dunong Tëduray at Lambangian" mula sa UP Diliman Culture Bearers-in-Residence Program ng Opisina ng Tsanselor. Naging panauhing tagapagsalita sina Timuay Alim M. Bandara, Kemamal Keadatan Son Mondoyo Alao, Fintailan Lourdes Tenorio Concha, at si Glery Jean Palao Mosela na mula sa Bantek, Upi, Maguindanao Del Norte.

 

Sa harapan, mula sa kaliwa: Sina Glery Jean Palao Mosela, Fintailan Lourdes Tenorio Concha, Kemamal Keadatan Son Modoyo Alao, at Temuay Alim M. Bandara, habang inaawit ang "Ruray Fusaka: Timuay Justice and Governance Hymn." Kuha ni Bong Arboleda, UP MPRO

 

Resolusyon sa hidwaan ng mga Teduray at Lambangian

Tinalakay sa unang seryeng "Tiyawan Bërab Dowoy: Paghuhusay at Sistemang Pangkatarungan" ang legalidad sa pagmamay-ari ng mga lupain. Dito binahagi rin ang tungkulin ng mga katutubo bilang Gefe o tagapag-ingat ng tribal na kalinangan at inilahad ang naging danas ng mga katutubong Teduray at Lambangian matapos ituring na outlaw sa panahon ng Commonwealth. 

Sinisikap ng mga katutubong lider ang pagpapaunlad ng repositoryo ng pangkalinangang pamana para sa bagong salinlahi. Ang hamon sa mga katutubong pamahalaan ay ang indibidwal at cross border na tunggalian na maayos sa dayalogo upang maiwasan ang iba't ibang uri ng gulo.

Pinalalim ang usapin sa lupa at karapatan sa ikalawang panayam talakayang "Non-Moro Indigenous Peoples at ang IP Code: Identidad, Bayan, at Kababaihan sa BARMM." Pinakilala ni Atty. Raymond Marvic C. Baguilat, isang Tuwali Ifugao human rights lawyer at Senior Legal Associate ng UP IHR, ang Bangsamoro Indigenous Peoples Development Act at ang kakanyahan nito. Tinalakay ni Timuay Alim ang kahalagahan ng sinusulong na IP Code at ang iilang probisyon sa Bangsamoro Organic Law (BOL). Hinihiling nilang maipasa ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) Bill 273 upang mas maayos na mailatag ng mga katutubong Teduray ang kanilang karapatan sa lupa at iba pang aspekto ng katutubong pamamahala. Nakahanda na rin ang iilang tugon ng mga abogado bilang petisyon kung sakaling hindi maipasa.

Mula sa kaliwa: Sina Temuay Alim M. Bandara, Kemamal Keadatan Son Modoyo Alao, Glery Jean Palao Mosela, Fintailan Lourdes Tenorio Concha, habang sinagagot ang iilang katanungan mula sa madla. Kuha ni Bong Arboleda, UP MPRO

 

"Hindi na rin naman talaga bago ito sa atin dahil matagal na nating ginagawa ang usapan, huntahan, o ang mga pakaradiyaan noon pa man," sabi ni Dr. Jimmuel Naval, Dekano ng UP Kolehiyo ng Arte at Literatura. "Pero naantala ito at pinaghiwalay tayo ng mga pananakop, digmaan, migrasyon, at mga batas at panuntunan na labag sa ating mga paniniwala. Galing tayong lahat sa iisang sinapupunan at magkakapatid sa paniniwala at tradisyon."

"Napakahalagang bigyang pansin ang kanilang mga sistema ng resolusyon ng hidwaan at katarungan, na kinikilala at pinapahalagahan ang kanilang kultura at mga kaugalian," ani ni UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo L. Vistan II. "Ang mga ito ay dapat na maunawaan, kasama ng pambansang legal na sistema at internasyonal na kinikilalang mga karapatang pantao na may particular na atensyon na dinamika ng kasarian sa loob ng komunidad," dagdag pa niya.

 

Mula "Upi" patungong "UP", mula "UP" pabalik ng "Upi"

Pagkatapos ng anim na mga serye, nagkaroon ng Fegetaw upang makapagbigay ng tugon ang mga tagapagsalita sa kung paano nakatulong ang pagbisita nila sa UP Diliman. Bilang pagpapasalamat ay nagbigay [sila] ng mga katutubong pulseras upang simbolohin ang pananatili sa puso. Winakasan ang programa sa pagsasagawa ng Kanduli.

"Ang tao ay maliit na bahagi lamang ng duniya… pansamantala lamang tayo… nakikiraan lang," bilin ni Timuay Alim Bandara.

"Binigyan niyo kami ng puwang sa inyong mga puso," sambit ni Fintailan Lourdes. "Binigyan ninyo kami ng lugar sa paaralang ito—ang UP Diliman. Sobra-sobrang salamat dahil tanggap ninyo kami," dagdag niya.

 

Mula sa kaliwa: Sina UP IHR Senior Legal Associate Raymond Marvic C. Baguilat; UP IHR Director Elizabeth Aguiling-Pangalangan; Kemamal Keadatan Son Modoyo Alao; Temuay Alim M. Bandara; Glery Jean Palao Mosela; Fintailan Lourdes Tenorio Concha; UP Diliman Philippine Studies Associate Professor Mary Jane Rodriguez-Tatel; at Dekano ng UP Kolehiyo ng Arte at Literatura Jimmuel C. Naval. Kuha ni Bong Arboleda, UP MPRO

 

Mga dumalo sa Seryeng "Suwala Sëkëlungon", May 21-22, 2024 sa Bocobo Hall, UP Law Center at Malcolm Theater, Malcolm Hall, UP College of Law, UP Diliman. Kuha ni Bong Arboleda, UP MPRO

University of the Philippines © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at May 29, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (23)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.