Gusto ng maraming Pilipino makipag-debate, lalo na ang relihyosong mga tao.
Pero saan ba talagang nagmumula ang pangangailangang ipagtanggol ang sariling paniniwala sa punto na kailangang itaas ang boses at maging insultuhin ang kabilang parte sa debate?
Ang gusto bang ipagtanggol ay ang katotohanang pinaniniwalaan ng isa o ang sariling ego? Kung ANO ang tama o kung SINO ang tama?
Bilang halimbawa ang ilan ay matagal nang nasangkot sa isang partikular na uri na diet sa punto na sa halip na ang pokus nila ay sa orihinal na dahilan kung bakit nagumpisang sila mag-diet, ibig sabihin maging healthy, ang nagiging pokus nila ay ang diet nila at nagiging sila tagapagtanggol ng keto, low-carb, paleo o iba pa imbes na maging bukas ang isip sa kung mayroon ibang mga alternatives na baka ay mas gumagana.
Ganyan din ang maraming relihyosong tao: ang pokus nila ay hindi ang katotohanan o kung ang Diyos ay talagang umiiral, at kung umiiral man kung ano talaga ang kanyang layunin, kundi ang sariling relihyon.
Kung ano ang karaniwan sa mga situwasyong ito ay na ang pokus ay nawawala sa kung ANO ang tama at nagiging tungkol kung SINO ang tama.
No comments:
Post a Comment