Ang isang pagsipi mula kay Lao Tsu ay nagsasabi: "ang tunay na kalikasan ng isang tao ay sakdal at walang dungis, ngunit, dahil sa matagal nang paglubog natin sa sanlibutan, nakalimutan natin ang ating tunay na ugat at nagkaroon tayo ng pekeng kalikasan".
Sinasabi naman ng Zen Buddhism na ang tao ay lumayo mula sa kanyang "orihinal na mukha" o "tulad-Buddhang kalikasan".
Sinasabi naman ng mga Hindu na kung ano ang karaniwan sa sanlibutang iti, ang lahat ng materyal na mga bagay at materyalistikong pagnanasaat tunguhin ay "maya" o ilusyon.
At sinabi naman ni Jesu Kristo na ang tunay na mga tagasunod niya ay dapat na "hindi bahagi ng sanlibutan" at, sa isang pagkakataon, sinabi niya na may "malawak na daan na umaakay sa pagkapuksa na gustong lakaran ng karamihan at may masikip na daang nilalakaran ng kaunti lang".
At ang ideyang ito na mayroon ang isang "sanlibutan" kung saan komportable ang karamihan ngunit hindi ito ang "tunay na kalikasan" at ang tunay na ugat ng kaligayahan ay hindi lang nasusumpungan sa larangan ng relihyon.
Mayroon ang isang sikat na librong pinamagatang "The Road Less Travelled".
Sa isang eksena ng isang pelikula kung saan ang pangunahing mga aktor ay sina Meg Ryan at Tom Hanks ay sinabi ng character ni Meg Ryan kay Tom Hanks: "99% ng mga tao sa sanlibutan ay tulog at ang 1% na gising ay nasa patuluyang pagkadama ng paghanga".
Kaya isa sa pinakaimportante mga katotohanan sa unibersong ito ay na mayroon ang isang karamihan na bahagi ng isang "sanlibutan" kung saan mababang klasw ang mga pagnanasa, tunguhin, ugali at paraan ng pag-iisip" at mayroon isang minoridad na nasa "masikip na daan".
No comments:
Post a Comment