17 Hunio 2024, Lunes
City of Makati, France in June
Register now and vote in midterm polls
Aspirants file your certificate of candidacy on October 1-8,2024
Substitute candidates must be with same surname and political party
Partylist must file Certificate of Nomination and Acceptance
No to Divorce!!!
Get well soon Nanay Angelita Santiago-Lopez
Von Voyage Thomas and Aida Capica, your family enjoys your visit
No to SOGIE bill
supports June 20, National Refugees Day
Congratulations !26th Philippine Independence Day
PM for any hospital discharge problem
Komedya o Komida
Ni Derek Jorge
Mabuhay ka Tata
PANIBAGONG komida itong hatid ni Puloy kay B/Gen Nicolas Torre ll, ang bagong Regional Director ng Davao PNP o Regional Police Office 11. Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Alexander Malvar, Michelle Sotocua, Esperanza Benedicto, Gerry Noel,Pepito Nicandro. Dahil sa sinasabing kapalpakang sabi ni Tata sa kabiguang damputin si Puloy, sibak ang mga opisyal at patrolmen ng rehiyon. Hinugot si Torre mula sa Crame. May tamis at asim ding namagitan sa amin nitong si heneral na bantog pala sa tag-uring "three-minute response time policy" pero nakapagtatakang hindi iyon naganap sa QC kaya napilitan akong pasaklolo sa "anti-corruption court", akala kasi ni gambling lord Rogelio Mistica Jr. hindi ko siya masisipa sa Cubao e. Hanggang ngayon inaantabayanan ko pa itong madyikerong ito. Kaya huwag na huwag nyong kakalungin sa Kamaynilaan itong gambling lord kung ayaw ninyong bumulusok kasabay nito mga tata. Hindi ko naman masisi itong mga seamen natin na sa paghaharimunang yumaman agad-agad ay sinusuong pati kampamento ng mga pirata. Ngayon, parang pusang hindi mapaanak ang gobyerno sa pagsaklolo sa kanilang mga tripulante ng MV Tutor. Hinay-hinay kasi.
Ipinababasura ni Bamban Mayor Alice Guo ang pagkakasuspinde sa kanya. Patunayan mo muna "beyond reasonable doubt "alkaldeng pinoy ka nga talaga. Pagkakataon mo naman vice na alkalde ngayon ng Bamban, Tarlac, na episyente at mabisa ka talaga sa pwestong hawak mo ngayon kahit 6 na buwan lamang. Gawin mo ang hindi nagawa ni yorme Guo.
Ako ma'y hindi rin nakatitiyak kung may umiiral nga bang ordinansa o kahit resolusyon man sa bayan ng Bocaue sa mga stray animal. Pero kasambahay isang bagay ang tiyak, walang "municipal found" ang munisipalidad kaya walang pagdadalhan ang mga mahuhuling galang hayop kung ikakampanya man. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, may isang libo kayang bahay sa Binang 1st dahil kung mayroon halos 80% ang 701 bahay na may palikuran. Yung iba kaya saan dumurumi, sa ilog? Pagbati kay iskup news-on-line-daily managing editor Jorge Lopez sa pagiging ganap nang chaplain makaraan ang seminar workshop "Chaplaincy Clinical Pastor Education Seminar & Training ng Values Formation and Spiritual Transformation Council Philippines, International Inc. International Chaplain Ministerial Order. Bilang chaplain kasambahay, ipagpapatuloy ni boss Jorge ang pagtuturo bilang life coach sa mga pulis-Bocaue at malamang na magiging official syang chaplain ng Binang Elementary School at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Mga myembro ng lupong tagapamayapa, hindi sinasadya ang maanghang na pananalita ni Bossing, pinilit nyo naman kasi e. Kahit maliit na langgam na tiniris mo, kakagat at kakagat mangahulugan man ng buhay nito.
Mabuhay ka bossing. Iwasan nyo kasambahay bumili ng gamot sa bangketa dahil baka mapeke kayo. Kung si Roda sa tele-aksyong Batang Quiapo ay nagbebenta ng paso nang produkto, babala ng BFAD ay huwad talagang gamot ang nakalapag sa mga bangketa. Medicol Advance, Bioflu, Tuseran Forte, Kremil-S, Alaxan FR and Biogesic ang hinuwad ng mga pasaway na sindikato. MTRCB bakit walang "parental guidance ang paboritong BQ ni Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal. Whole some pa naman ang dating ng tele aksyon ni Coco Martin pero walang SPG sa You Tube. Baka akala ng mga bata, tamang 2 inaasawa sa bahay gaya nina Marites at Lena. Tiyak na nagpapatuloy ang bentahan ng "organ" at ngayon, buong bat ana ang ipinagbibili at sa media sosyal pa, lantaran na itong para bang sige "maghabulan tayo", anang mga pasaway na sindikato "HINDI nabibili ang magulang", ang mensahe ni Barangay Binang 1st Administrator Ricardo Sta. Ana nang katawanin niya si Chairman Alfredo Quambao sa ika-54 na pagtatapos ng Binang Elementary School. Dahil nga hindi nabibili ang magulang at iisa lamang ang nagluwal sa iyo sa daigdig, ang pangaral ni Carding sa kulang sa 70 estudyanteng nagsipagtapos sa grade 6,igalang at mahalin mo silang pinagkakautangan mo ng iyong buhay. Malaki na ang isinulong ng paaralang ito mula nang ako ay magtapos rin ditto noong 1975. Noo'y kanya-kanya pa kami ng dalang silya at sa mismong paaralan ginanap ang pagtatapos. Sa graduation 2024, sa auditorium na ng Dr. Yanga's Colleges ginanap, ditto rin ako nagtapos ng sekundarya noong 1979 at sa taong ito ay ipinagdiriwang naming ang ika-60 taon mula nang lisanin ng batch ang eskuwelahang ito. Kaya lamang ay nakalulungkot na hindi maasikaso ng kinauukulan ang papeles ng paaralang Binang Elementary School at walang matinong makausap hinggil ditto. Magdaraos ang batch 75 ng reunion at harinawang matalakay ang kapakanan ng paaralan. Sinariwa rin ni Carding na noong panahon niya ay hanggang grade 4 lamang ang klase rito na kapag grade 5 na ay sa Bocaue Central Scool na mag-aaral kaya hindi karamihan ang nakatatapos ng elementarya. Komedyante itong ospital sa kabayanan ng Bocaue, Bulacan, hindi nga ho ito kasambahay naniningil ng deposito agad at palilipasin muna ang 24 oras pero bawal ang promisorry letter. . Pagkuha mo Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ng kwarto sa ipaaadmit mong pasyente, walang charity ward doon, P1,900 at P2,200 lang ang halaga ng room, palalagdaan sa iyo ang kasulatang bawal ang promisorry letter. Sige lang pirma, pero alam naman ng mga abogado nitong ospital na may "Anti-hospital hostage law" na hindi dahilan ang kakapusan mon ang pananalapi upang hindi ka pauwiin kung galling ka na at ang unang hakbang para magamit mo ang batas ayh PM. PM lang din ho sa akin kung may problema kayo sa discharge ng inyong pasyente. Pagbati sa mga kongresistang nagsisikap pagmalasakitan ang kapakanan naming mga nakatatanda-pagpapanatili sa 20% diskwento sa mga pangunahing pangangailangan. . Pero bakit kaya hanggang 20% lang Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dahil ba tinatanggal lang ang tubo sa puhunan at hindi ito kailangang galawin? Sa panukala nitong ilang deputado, ipinasasaklaw sa diskwento kahit mga produktong ipinakikilala pa lamang sa pamamagitan ng "promo". Ipinaggigiitan ho ng mga hotel na ang mga ratang nasa promo gaya ng P500 ang sampung oras na pamamalagi na hindi saklaw ng 20% discount. Yun ho kasing promo ng kumpanya ay para sa kapakanan nito, paano naman ang batas na nilalabag na, dapat pang idiskwento ang nasa promo. Gusto ko ring tingkiin ang petrolyo, gasoline at krudo ng nagpapakargang senior citizen, dapat ikonsidera rin. Komedya na naman ang magaganap sa mga lansangan sa pagtataguang pung at girian ng mga "unconsolidated traditional jeepney" at magsisiga-sigaang enforcer. Tapos na kasi kasambahay ang grace period ng mga uncon at simul ana ng tugisan ng mga kulorum. Tyak magtatago ang mga kulorum hanggang manghinawa ang mga tugis boys. Alam nyo naman ang ugaling ningas-kugon, di pa rin nawawala at alam ng mga kulorum yun, pahinga muna, payagay-tagay muna. Pagkatapos ng sigwada, muling mamamayagpag ang mga kulorum, "happy days are here again". Dyan nga Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa Imus City, Cavite, marami sa mga traditional jeepney ang ni walang ruta sa gilid, byaheng Dasmarinas City bayan-Imus City proper, kinunsinte ng mga awtoridad at pamahalaang lokal. Inutil rin dyan ang bantay-kulorum. Mababawasan kasambahay ang komedya sa munisipyo, city hall at barangay hall dahil mauudlot ang pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda ng mga pulitiko. . Hindi na ho kasi kasambahay idaraan sa opisina ng mga ehekutibo lokal ang ayuda ni Social Welfare secretary Rex Gatchalian. Ito ho bang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Ang konswelo na lang ni Mayor at barangay chairman ay makapagmasid sa pamimigay, iniiwasan na ho kasi Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na akalain ninyong mula sa pulitiko iyon kaya muling maiboboto sa nalalapit na naming halalan. Tinutugis ho ngayon ng mga pulis ang kabaro nilang babae dahil nahuling nakikipagniig sa kapwa pulis at huli rin ng maybahay ang katalik. Hindi kinilala ni Col. Fajardo ang pasaway sa matinding kahihiyan, sino kaya ang life coach niyan?
Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a.. Salamat JO1 Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.
No comments:
Post a Comment