DavaoPlus

Thursday, 6 June 2024

iskup news-on-line daily

6 Hunio 2024, Huwebes City of Makati, France in June Register now and vote in midterm polls Aspirants file your certificate of candidacy on October 1-8,2024 Substitute candidates must be with same surname and political party Partylist mus…
Read on blog or Reader
Site logo image ISKUP! Read on blog or Reader

iskup news‑on‑line daily

iskup2015

June 6

6 Hunio 2024, Huwebes

City of Makati, France in June

Register now and vote in midterm polls

Aspirants file your certificate of candidacy on October 1-8,2024

Substitute candidates must be with same surname and political party

Partylist must file Certificate of Nomination and Acceptance

No to Divorce!!!

Get well soon Nanay Angelita Santiago-Lopez

No to SOGIE bill

PM for any hospital discharge problem

Komedya o Komida

Ni Derek Jorge

Mayor, municipal found natin? 

HINDI ko malilimutan ang kawalang maisagot o baradong mga kinatawan ni Chairman Alfredo Quiambao sa tanong ng mga sugo ng tanggapan ng gobernadora ng Bulacan hinggil sa naglipanang mga aso't pusa sa mga lansangan ng barangay. Ako ma'y hindi rin nakatitiyak kung may umiiral nga bang ordinansa o kahit resolusyon man sa bayan ng Bocaue sa mga stray animal. Pero kasambahay isang bagay ang tiyak, walang "municipal found" ang munisipalidad kaya walang pagdadalhan ang mga mahuhuling galang hayop kung ikakampanya man. Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, may isang libo kayang bahay sa Binang 1st dahil kung mayroon halos 80% ang 701 bahay na may palikuran. Yung iba kaya saan dumurumi, sa ilog? Shout out muna kina Binang 1st Barangay Chairman Alfredo Quiambao, secretary Michelle Santos at treasurer Con-con Adatu,admin Ricardo Sta. Ana, konsehal Aru Cando, Alexander Malvar, Michelle Sotocua, Esperanza Benedicto, Gerry Noel,Pepito Nicandro. Pagbati kay iskup news-on-line-daily managing editor Jorge Lopez sa pagiging ganap nang chaplain makaraan ang seminar workshop "Chaplaincy Clinical Pastor Education Seminar & Training ng Values Formation and Spiritual Transformation Council Philippines, International Inc. International Chaplain Ministerial Order.  Bilang chaplain kasambahay, ipagpapatuloy ni boss Jorge ang pagtuturo bilang life coach sa mga pulis-Bocaue at malamang na magiging official chaplain ng Binang Elementary School at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Mabuhay ka bossing. Iwasan nyo kasambahay bumili ng gamot sa bangketa dahil baka mapeke kayo.   Kung yung umuupa kina Marsing sa teleaksyong Batang Quiapo ay nagbebenta ng paso nang produkto, babala ng BFAD ay huwad talagang gamot ang  nakalapag sa mga bangketa. Medicol Advance, Bioflu, Tuseran Forte, Kremil-S, Alaxan FR and Biogesic ang hinuwad ng mga pasaway na sindikato. MTRCB bakit walang "parental guidance ang paboritong BQ ni Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal. Whole some pa naman ang dating ng tele aksyon ni Coco Martin pero walang SPG sa You Tube. Baka akala ng mga bata, tamang 2 inaasawa sa bahay gaya nina Marites at Lena.  Tiyak na nagpapatuloy ang bentahan ng "organ" at ngayon, buong bat ana ang ipinagbibili at sa media sosyal pa, lantaran na itong para bang sige "maghabulan tayo", anang mga pasaway na sindikato.  Mabuti nang mabuti kasambahay kung ang bentahan ng sanggol ay para magkaanak, aarugain, mamahaling parang tunay na kanila at hindi ang una ko nang nabanggit na kakataying parang hayop para sa pa rin sa organ nito, patawarin kayo mg ama kong Dios. Naaawa tuloy ako sa maglololang nakatira sa likod ng pangunahing supermarket sa may Sitio Bihunan, inilalambing nil ola kay Kapitan Duco, kahit gatas na Bonna para sa apo nya. Kung nasa pambansang tanggapan pa ako, kayang kaya ko iyan pero wala na e at dito sa pamahalaang local, sasagutin ka lamang ng MSWD na "wala kaming pondo riyan". Basahin nyo na lang at subaybayan ang istorya sa iskup news-on-line daily. "HINDI nabibili ang magulang", ang mensahe ni Barangay Binang 1st Administrator Ricardo Sta. Ana nang katawanin niya si Chairman Alfredo Quambao sa ika-54 na pagtatapos ng Binang Elementary School. Dahil nga hindi nabibili ang magulang at iisa lamang ang nagluwal sa iyo sa daigdig, ang pangaral ni Carding sa kulang sa 70 estudyanteng nagsipagtapos sa grade 6,igalang at mahalin mo silang pinagkakautangan mo ng iyong buhay. Malaki na ang isinulong ng paaralang ito mula nang ako ay magtapos rin ditto noong 1975. Noo'y kanya-kanya pa kami ng dalang silya at sa mismong paaralan ginanap ang pagtatapos. Sa graduation 2024, sa auditorium na ng Dr. Yanga's Colleges ginanap, ditto rin ako nagtapos ng sekundarya noong 1979 at sa taong ito ay ipinagdiriwang naming ang ika-60 taon mula nang lisanin ng batch ang eskuwelahang ito. Kaya lamang ay nakalulungkot na hindi maasikaso ng kinauukulan ang papeles ng paaralang Binang Elementary School at walang matinong makausap hinggil ditto. Magdaraos ang batch 75 ng reunion at harinawang matalakay ang kapakanan ng paaralan. Sinariwa rin ni Carding na noong panahon niya ay hanggang grade 4 lamang ang klase rito na kapag grade 5 na ay sa Bocaue Central Scool na mag-aaral kaya hindi karamihan ang nakatatapos ng elementarya.   Komida  itong handog ng embahada ng Pransya sa Pilipinas, nagpatikim sila ng pagkaing lutong Pranses sa lansangan ng Makati City. Nagpatikim ang mga Pranses ng putahe, alak, lutong Pinoy tampok sa French Food Market sa mga lansangan ng lungsod Makati  "French street food, crêpes, pastries and other delights with wines, liqueurs, coffees and beverages will be presented by  Goût de France (Good France) Street Market on tree-lined Paseo Avenue along Ayala Triangle on June 1 to 2." "Goût de France" ay ipinakilala kasambahay noong taong  2015 ng French Ministry of Foreign Affairs kapartner si  chef Alain Ducasse. Nasa  20 French restaurant  at pangunahing otel ang kalahok sa  Goût de France hatid ang "special Goût de France menu" sa buong lingo hanggang  June 9. Komedyante itong ospital sa kabayanan ng Bocaue, Bulacan, hindi  nga ho ito kasambahay naniningil ng deposito agad at palilipasin muna ang 24 oras pero bawal ang promisorry letter. . Pagkuha mo Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal ng kwarto sa ipaaadmit mong pasyente, walang charity ward doon, P1,900 at P2,200 lang ang halaga ng room, palalagdaan sa iyo ang kasulatang bawal ang promisorry letter. Sige lang pirma, pero alam naman ng mga abogado nitong ospital na may "Anti-hospital hostage law" na hindi dahilan ang kakapusan mon ang pananalapi upang hindi ka pauwiin kung galling ka na at ang unang hakbang para magamit mo ang batas ayh PM. PM lang din ho sa akin kung may problema kayo sa discharge ng inyong pasyente. Pagbati sa mga kongresistang nagsisikap pagmalasakitan ang kapakanan naming mga nakatatanda-pagpapanatili sa 20% diskwento sa mga pangunahing pangangailangan. . Pero bakit kaya hanggang 20% lang Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal, dahil ba tinatanggal lang ang tubo sa puhunan at hindi ito kailangang galawin? Sa panukala nitong ilang deputado, ipinasasaklaw sa diskwento kahit mga produktong ipinakikilala pa lamang sa pamamagitan ng "promo". Ipinaggigiitan ho ng mga hotel na ang mga ratang nasa promo gaya ng P500 ang sampung oras na pamamalagi na hindi saklaw ng 20% discount. Yun ho kasing promo ng kumpanya ay para sa kapakanan nito, paano naman ang batas na nilalabag na, dapat pang idiskwento ang nasa promo. Gusto ko ring tingkiin ang petrolyo, gasoline at krudo ng nagpapakargang senior citizen, dapat ikonsidera rin.   Komedya na naman ang magaganap sa mga lansangan sa pagtataguang pung at girian ng mga "unconsolidated traditional jeepney" at magsisiga-sigaang enforcer.  Tapos na kasi kasambahay ang grace period ng mga uncon at simul ana ng tugisan ng mga kulorum. Tyak magtatago ang mga kulorum hanggang manghinawa ang mga tugis boys. Alam nyo naman ang ugaling ningas-kugon, di pa rin nawawala at alam ng mga kulorum yun, pahinga muna, payagay-tagay muna. Pagkatapos ng sigwada, muling mamamayagpag ang mga kulorum, "happy days are here again". Dyan nga Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal sa Imus City, Cavite, marami sa mga traditional jeepney ang ni walang ruta sa gilid, byaheng Dasmarinas City bayan-Imus City proper, kinunsinte ng mga awtoridad at pamahalaang lokal. Inutil rin dyan ang bantay-kulorum. Mababawasan kasambahay ang komedya sa munisipyo, city hall at barangay hall dahil mauudlot ang pamumulitika sa pamamahagi ng ayuda ng mga pulitiko. . Hindi na ho kasi kasambahay idaraan sa opisina ng mga ehekutibo lokal ang ayuda ni Social Welfare secretary Rex Gatchalian. Ito ho bang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP. Ang konswelo na lang ni Mayor at barangay chairman ay makapagmasid sa pamimigay, iniiwasan na ho kasi Kiwal, bulati kong kikiwal-kiwal na akalain ninyong mula sa pulitiko iyon kaya muling maiboboto sa nalalapit na naming halalan.  Tinutugis ho ngayon ng mga pulis ang kabaro nilang babae dahil nahuling nakikipagniig sa kapwa pulis at huli rin ng maybahay ang katalik. Hindi kinilala ni Col. Fajardo ang pasaway sa matinding kahihiyan, sino kaya ang life coach niyan?

Shout out muna sa Values Bocaue Advocates, Wilfredo Jimenez Jr., Alex Driodoco, Gemma Daseco, Delfin Lawa at Alex Castro. Shout out muna sa mga may "hang over" pang bagong Marked Men for Christ". Nagsipagtapos ng phase 2 at 3 seminar sa Plaridel,Bulacan staff na kayo kung saka-sakali, unang staffing nyo ang Phase 1 sa San Carlos City, Pangasinan sa HUlyo 3-5,2024. Jonathan Fernandez, nagkakalimutan na yata a..    Salamat JO1 Adrian Montojo, magkatulungan tayo sa ikarereporma ng mga detenido.

Comment
Like
You can also reply to this email to leave a comment.

ISKUP! © 2024. Manage your email settings or unsubscribe.

WordPress.com and Jetpack Logos

Get the Jetpack app

Subscribe, bookmark, and get real-time notifications - all from one app!

Download Jetpack on Google Play Download Jetpack from the App Store
WordPress.com Logo and Wordmark title=

Automattic, Inc. - 60 29th St. #343, San Francisco, CA 94110  

at June 06, 2024
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • June 2025 (2)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.