Minsan nakilala ko ang isang inang Pinay na namatayan ng asawa at mayroon siyang 3 anak.
Dahil sa limitado ang income ng babaeng ito nagtakda siya ng isang simpleng kaayusan para sa pamilya: kahit saan kailangan nilang pumunta maglalakad sila, walang kotse, walang motor, walang trycicle, walang jeepney...sapatos at paa lang ang magiging sasakyan nila.
Tiyak na, bagaman napakasimple ng buhay nila, wala silang utang at malaki ang posibilidad na mabuti pa ang kanilang kalusugan dahil sa gumagalaw ang kanilang mga katawan.
Dito naman sa bansa ko mayroon napakaraming Pilipinong may bagong kotss, bagong I-phone, bago ito, bago iyan at bago iyon...kaso baon sila sa utang.
Sa karamihan ng mga kaso ang hintuan ng bus, metro o tram ay wala pa 100 metro mula sa kung saan nakatira ang mga tao at wala pa 100 metro mula sa lugar ng trabaho nila...kaso mas gusto ng maraming Pinoy na magkotse!
At dahil dito maraming pera ay sinasaya sa liabilities gaya ng pagmamantini ng kotse at gasolina na hindi sana kailangan...dahil mas gusto ng ilan magmukhang mayaman sila kaysa tanggapin na mas malaki ang sweldo ng isa na namumuhay nang may simpleng mata...o, at least, wala siyang utang...
No comments:
Post a Comment