Nais naming linawin na walang utos mula sa aming tanggapan na magsagawa ng anumang demolisyon o ang paggamit ng pwersa laban sa mga manininda sa Old Tennis Court. Wala ring anumang patakaran o proyekto mula sa aming opisina na naglalayong ilagay sa peligro ang kabuhayan o kaligtasan ng sinuman.
Batid namin ang mga suliraning pangkumunidad na ikinakaharap ng ating mga manininda. Kaisa namin ang bawat pangkat ng Unibersidad sa pagtuklas at paglatag ng mga mainam na solusyon para sa mga ito.
Kasabay nito, hinihikayat namin ang lahat na maging responsable at maingat sa pagpapalabas ng mga pahayag. Nananawagan kami na suriin muna nang mabuti ang katotohanan at makipagdiyalogo upang maisaayos ang hindi pagkakaunawaan.
Ang Office of the Vice President for Development ay nagsusulong lamang ng mga proyekto para sa ikabubuti ng bawat sektor at komunidad ng UP.
No comments:
Post a Comment