Ang aking blogging experience ay nagsimula bilang pampalipas lang ng panahon.

Nang maglaon, nang malaman ng amo ko na may blog ako, inatasan niya ako na gumawa ng mga blog post ng aming kompanya.

Subalit, dahil medyo kulang ako sa teknikal na karanasan, sinabihan niya ako na dumalo ako sa mga kurso ng Searching Engine Optimization, o S.E.O. at Social Media Marketing at, dahil masipag na tao ako, ginawa ko iyon.

Ano kaya ang natutuhan ko tungkol sa pagiging isang matagumpay na blogger? (syempre naman itong blog na ito ay nananatili pampalipas ng panahon, pero bumuo ako ng isa pang blog (www.filipitaly.com) para mas maikapit ko ng kaunti ang S.E.O.)

Umattend sa mga Online na Kurso

Maraming murang online course at mayroon din marami libreng kurso, at may sertipiko pa!

Halimbawa ang Google Digital Training program ay nag-aalok ng mga libreng kurso na pwedeng tapusin kung kailan gusto ng isa at, sa katapusan, ay may eksamen para sa sertipiko

Ang isa pang libreng paraan para magkaroon ng sertipiko ng pagdalo sa iba't ibang mga online na kurso ay ang Simplilearn

Sa dami ng mga blog na mayroon sa internet, mahirap maging matagumpay kung ang isa ay basta sumusulat kung ano ang dumadaan sa isip (gaya ng madalas ginagawa ko....), kailangan ng kaunting kaalaman ng S.E.O. at pati Social Media Marketing, dahil ang mga tao ay hindi basta nagreresearch sa Google kundi nasa iba't ibang mga platform sila, lalo na YouTube at Facebook.

Gumawa ng Keyword Research Bago Sumulat ng Kahit Ano

Hindi sapat sumulat ng kahit ano ang bumabangon sa utak at umaasa na marami ang mag-lilike. Bago sumulat dapat muna tiyakin dalawang bagay:

  • marami ba ang naghahanap ng keyword na may kinalaman sa aking paksa? Importante ito dahil kahit gustong-gusto natin ang isang paksa, ngunit walang interesado, walang mangyayari
  • kumusta ang competition? Importante din ito dahil kahit marami ang interesado sa paksa pero napakarami ang sumusulat tungkol doon mahirap lumitaw sa S.E.R.P.

Sinubukan kong gawin ito sa dalawang artikulo sa kabilang site ko at, bilang resulta, parehong article ay lumilitaw sa S.E.R.P...at masaya ang amo ko dahil ngayon alam ko kung papaano maging una sa Google ang mga artikulo ng website ng kompanya namin (sana hindi dahil ayoko ng karagdagang mga customer)...

Gumamit ng mga Heading at Subheading

Ang kagandahan ng mga C.M.S. (Content Management System), gaya ng WordPress o Blogger, ay na nag-aalok sila ng mga pagkakataon para hatiin ang mga post sa parapo, heading at subheading at ito ay napakahalaga dahil magsasawa ang mga tao kung hindi madaling basahin ang post at, syempre naman, kung may malinaw na subheading at maikling mga parapo, mas madaling basahin ang isang post.

Ito ang binigyan kong pansin sa akin huling post sa kabilang blog ko

Mga subheading (H2) at maikling parapo

Gumamit ng Google Search Console at Google Analytics

Matapos isulat ang isang post mahalaga malaman kung ano ang performance ng artikulong iyon at maraming nakikitang impormasyon sa Google Search Console at Google Analytics, gaya ng bilang ng mga "impression" at ang bilang ng aktuwal na nagbubukas ng site, kung saan galing ang mga bisita, kung anong device ang ginagamit nila, kung anong keyword ang ni-research nila...at iba pa


Mas Maganda ang Resulta Kung may Kaunting Teknikal na Kaalaman

Dito sa post na ito ibinahagi ko ang ilan lang sa maraming mga bagat na kailangan sanang bigyan pansin sa paggawa ng blog post.

Syempre naman mukang hindi na masyadong uso ngayon ang mga nakasulat na blog at mayroon marami pang mas maasahang mga paraan para kumita online, pero, at least, kung marami ang bumabasa ng ating mga post may kaunting satisfaction...panloob na kasiyahan, hindi pera....


This free site is ad-supported. Learn more