Natanggap na ng Bicol region ang kauna-unahang alokasyon ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech.
Dumating kaninang umaga, araw ng Biyernes sa lungsod ng Legazpi ang nasa kabuuang 780 vials o 4,680 doses ng nasabing bakuna.
Ang nasabing bakuna ay nangangailangan ng ultra-low temperature freezer ng hanggang -80 degrees Celsius para sa proper handling.
Samantala, kasabay nito ay dumating rin ang nasa 39,200 doses ng Sinovac; 1,100 doses ng Janssen o Johnson and Johnson vaccine at 41,200 doses ng AstraZeneca.
Sa kabuuan ay nasa 86,180 doses ng iba't-ibang brand ng COVID-19 vaccine ang dumating sa rehiyon kanina.
Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, ang Sinovac at Pfizer vaccines ay nakalaan para sa mga nasa A1, A2, at A3 priority groups habang ang Janssen at AstraZeneca vaccines naman ay inilaan ng national government para sa mga miyembro ng AFP at PNP.
(News & photos courtesy of DOH Bicol)
No comments:
Post a Comment