Iriga City - Personal na binisita ni Vice President Leni Robredo kasama si Mayor Madelaine Yorobe Alfelor ang tatlong (3) Vaccinations Sites ng IrigaVax Express. Layunin ng programang ito mula kay VP Leni ay mabakunahan ang 5,000 mga Senior Citizens ng Janssen Vaccine.

Ang pagbabakuna ay ipagpapatuloy ngayong araw dahil sa target na ubusin ang populasyon ng mga lolo at lola sa Iriga City.

Sa panayam ng Radyo Ronda kay Glenda Dasco, staff ng Camarines Sur 3rd Representative, sinabi nito na pinag-cluster nila ang barangay para mas madali ang pagbabakuna.

Isa sa naging venue ay ang Barangay Sagrada na nagkaroon ng 11 clustered barangay na may nabakunahang mahigit 500 daang mga senior citizens.

Nabanggit pa ni Dasco na sa ibang barangay tulad ng Barangay San Isidro, mahigit ding isang libo ang nabakunahan.

Una nang sinabi ng OVP na bukas ang kanilang opisina sa iba pang LGU kung hihingi ng tulong sa mas mabilis na vaccination rollout tulad ng ginawa sa Maynila at sa lungsod ng Naga.

(Source: LGU Iriga City)