Iriga City - Nagpaabot ng pagkadismaya ang namumuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Pioduran, Albay matapos dumami ang indibidwal na na-stranded sa kanilang Pantalan simula ng pinalabas ang bagong health protocols ng lalawigan ng Masbate.

Ayon kay MDRRMO Head Noel Orduna, agad itong tumawag sa PDRRMO Masbate para ipaalam ang sitwasyon sa unang araw ng pagbabalik ng byahe pauwi sa Masbate.

Ito kasi ay matapos magpalabas ng bagong Executive order ang nasabing lalawigan na "tanging mga fully vaccinated lamang" ang papayagang makapasok. Bagay umano na pinoproblema ng Pioduran ngayon.

Ayon pa kay Orduna, matapos ang pag-uusap nila, pinayagan na itong makabyahe ang mga stranded kahapon  ngunit iimplementar na ang bagong travel guidelines o protocols sa mga susunod na araw.

Samantalang ang mga fully vaccinated umano ang kailangan magpresenta ng katunayan 15 bago ang pag-uwi sa kanilang lokalidad.

(Source: Bicol News)