Saan ka nag-iipon noong bata ka? Sa piggy bank? Sa isang nakabukod na extra coin purse? O sa nakaaaliw na laruang coin and cash bank? Para sa mga batang Pinoy noon, minsan ay sapat na ang basyo ng pulbos bilang kanilang alkansya.
Sa Facebook page ng Batang Pinoy-Noon at Ngayon, nagbalik-tanaw sa kahapon ang maraming netizens matapos makita ang litrato ng tinatawag na "alkansya ng batang Pinoy" o ang improvised coin bank na gawa lamang sa basyo ng pulbos. Sa pamamagitan ng isang post, inalala ng isa sa mga admins ang mga panahong gumagamit pa siya ng nasabing alkansya.
"Ang mahiwagang bangko ng mga batang 80s at 90s. Deposit sa umaga, withdraw din sa hapon," pabirong caption ng admin na nagbahagi nito.
Agad namang naka-relate ang mga "young once" na minsan ding gumawa ng improvised coin bank mula sa lalagyan ng pulbos noong kabataan nila.
"Hahahaha relate much talaga, iyong papiso-piso lang, malaking bagay na. Ang saya kapag may ipon ka sa ganiyan. Proud batang 80s at 90s, super saya!" wika ng Facebook user na si J. A. Usero.
"Ang bigat ng alkansya kapag napuno. Sa laki ba naman ng 'pisong kalabaw' at dalawang pisong decagon-shaped at 'yong limang pisong bulaklak. Hahaha!" pabirong kumento ni C. Almarez.
Ngunit kahit lahat ay naglalayong makaipon, mas marami ang mga nagkumento na madalas ay sinusungkit din kaagad ang laman ng kanilang alkansya bago pa man ito mapuno nang tuluyan.
"Sa umaga, bubutasan ang takip. Pagdating ng hapon, putol pati lagayan ng takip," wika ni J. B. Fuentes.
"May time na kalalagay mo lang tapos alog-alog kaunti, then susungkitin na agad. Hahaha pinaputi lang sa loob, e!" natatawang paggunita ni S. J. D. Garrido.
Sabi naman ni D. Lamparas-Dayucos, "Pangarap ko na makapuno ng ganiyan pero hindi ko talaga natupad."
No comments:
Post a Comment