Ngayong napag-uusapan muli ang mga naging Darna, alam mo ba na minsan ding gumanap sa role ng iconic Pinay heroine ang beteranang aktres na si Gina Pareño?
Bilang isa sa mga pinakapopular na aktres ng kanyang panahon, hindi na nakapagtataka kung napili bilang Darna noong 1969 si Gina sa naging papel niya sa pelikulang "Si Darna at ang Planetman".
Sa drama film na ito, ipinakilala ang "alter-ago" ng Pinay superhuman, si Daria—ang mas matandang bersyon ng bida na si Narda. Ginampanan ni Pareño ang mga karakter nina Darna at Daria, habang si Gina Alajar naman, na noon ay bata pa lamang, ang siyam na taong gulang na gumanap bilang Narda.
Dagdag na trivia pa sa pagganap ni Gina bilang Darna, ito umano ang unang beses na ipinakita ang superheroine bilang isang babae na nagmamahal.
Nagngangalang Geraldine Acthley sa tunay na buhay, lumaki si Pareño sa Gagalangin, Tondo at bata pa lamang daw ito ay talagang may pangarap nang maging isang artista.
Noong 1963, nagsimula siyang umarte at marami nang natanggap na parangal at pagkilala sa haba ng kanyang karera. Ilan sa mga ito ang mga award mula sa Metro Manila Film Festival Award, FAMAS Awards, Film Academy of the Philippines Awards, Pacific Meridian International Film Festival, Asian Film Awards, Osian's Cinefan Festival of Asian and Arab Cinema, Brussels International Independent Film Festival, at iba pa.
Gayunman, sa isang emosyonal na interview kamakailan ng veteran broadcaster na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Gina ang pakiramdam niya na para bang wala nang nagmamahal sa kanya.
"Nakakalungkot. Parang wala nang nagmamahal sa akin. Hindi ako nakakaarte e. Oh, my God!" umiiyak na sabi nito. "Gustong gusto ko pang umarte, gustong gusto ko pang nakakakita ng camera. At tsaka yung papanuorin ako ng tao. Gutom na gutom ako sa ganun. Sa ganyan, sa pag-arte."
Panoorin ang panayam ni Ogie kay Ms. Gina Pareno. (Iclick ang imahe.)
No comments:
Post a Comment