Isa ka ba sa mga nakaranas mag-ibig ng tubig noong ikaw ay bata pa?
Noong araw, hindi pa lahat ng bahay ay mayroong tubig kaya naman naging bahagi na rin ng araw-araw na buhay ng maraming Pilipino ang pag-iigib. Sa katunayan, hindi lamang matatanda ngunit pati ang mga batang Pinoy ay tumutulong din mag-igib noon para makapagdala ng tubig sa kani-kanilang tahanan.

Sa Facebook, madalas pa ring balikan ng mga social media users ang mga karanasan nila sa pag-iigib. Pero para sa marami, hindi lang naman ito basta dagdag na gawain sa bahay. Masaya naman daw sila noon dahil kasama nila ang mga kalaro habang ginagawa ito.
"Relate much," kumento ng netizen na si D. Sapungan. "Ganiyan din po kami noong bata pa kami. Mula sa bukal ng ilog hanggang sa aming bahay, medyo malayo rin ang agwat."
"Danas na danas namin 'yan," sabi ni J. D. Villaruel. "Dati, umaga at hapon kailangan puno ang lagayan ng tubig. Lalo kapag uulan, kailangan mag-ipon ng maraming tubig. Lumalabo ang balon."

"My childhood days! Mga 30 meters ang layo ng bahay namin hnggang sa pinag-iigiban namin ng tubig pero ayos lang kasi ang dami back up; mga friend kong kalaro sa patintero para raw mas madali makapuno ng drum at puwede na maglaro after," pagbabahagi ni J. G. Daluz.
"Ganiyan ang ginagawa ko kapag nag-iigib ng tubig noon hanggang sa mapuno ang malaking banga o tapayan pangluto at pampaligo," kuwento ni M. Armada. "Malayo pa ang iniigiban noon. Ngayon, ang mga bata pipihitin na lang ang gripo sa banyo at sa kusina."
"Ganiyang-ganiyan kami noong araw, bago pumasok at pagkagaling sa school ay nag-iigib kami," ani F. C. Maniego.
Ikaw, naranasan mo rin ba ang mga ito noon? May maibabahagi ka rin bang kuwento na may kinalaman sa pag-iigib ng tubig?

No comments:
Post a Comment