DavaoPlus

Wednesday, 7 September 2022

[New post] Nostalgia: Nagpapaulan ka rin ba ng ‘snow’ gamit ang styrofoam?

Site logo image Rexel-ian Reyes posted: "Walang snow sa Pilipinas? Walang problema para sa mga batang Pinoy noon na kayang-kayang gumawa at magsaya sa "snow" gamit lamang ang styrofoam. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, bumalik sa kahapon ang mga social media users " Definitely Filipino News

Nostalgia: Nagpapaulan ka rin ba ng 'snow' gamit ang styrofoam?

Rexel-ian Reyes

Sep 7

Walang snow sa Pilipinas? Walang problema para sa mga batang Pinoy noon na kayang-kayang gumawa at magsaya sa "snow" gamit lamang ang styrofoam.

snow styrofoam

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, bumalik sa kahapon ang mga social media users habang inaalala ang mga panahong napasaya sila nang sobra ng paglalaro ng "improvised snow". Imahinasyon lamang ang puhunan, hindi na lugi dahil styrofoam lang ang kailangan, bukod sa pader na kanilang pagkakaskasan nito.

"Nag-uunahan kaming maubos ang styrofoam sa pagkaskas sa pader dapat," kuwento ng netizen na si C. Dela Cruz. "Iyong magaspang dapat para maubos kaagad tapos iipunin namin at saka ihahagis paitaas para kunwari umuulan ng snow pagbagsak nito."

"Ganiyan lang dati pero masaya na kami. Hahaha!" kuwento ni Y. Senar. "Kahit tirik ang araw, basta iyan ang laruan namin, talo pa ang winter sa Korea!"

"Aakyat ka pa sa mataas na pader para habang bumabagsak at inililipad ng hangin. Snow na snow," wika ni D. Morado.

snow styrofoam

Pero kung sila raw ay tuwang-tuwa, ang kanilang mga magulang at kapitbahay na matatanda naman daw ay inis na inis sa kanila dahil sa kalat mula sa paglalaro nila nito. Bukod sa maraming maliliit na piraso, mahirap din walisin dahil masyadong magaan at napakadaling tangayin ng hangin.

"Maliban sa snow, inuulan din kami noon ng sigaw ng mga galit na kapitbahay," pag-alaala ni R. Tom.

Ayon naman kay J. Vicencio, kung masaya sila noon maglaro, ngayon ay nauunawaan na niya ang mga hindi natutuwa sa kanilang ginagawa noon.

"Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nagagalit sa amin ang mga nakatatanda noon kapag nagkikiskis kami niyan."

snow styrofoam

Makalat nga naman talaga, hindi ba? Ikaw, nakapaglaro ka rin ba ng pekeng snow na ito noon? Bukod sa masasayang alaalang dala nito, naiintindihan mo na rin ba ang punto ng mga sumasaway dati sa inyo?


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/snow-styrofoam/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 07, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (24)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.