Opisyal na tayong pumasok sa ber months at nagsimula na rin mapasok sa mga kuwentuhan ang excitement na dala ng favorite Christmas food ng mga Pinoy na bibingka.
Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon ang litrato ng bibingka na patok na patok sa mga Pilipino, bata man o matanda, sa tuwing Christmas season, ang bibingka. Marami ang natakam at nag-crave dahil sa nasabing litrato.
Bukod sa cravings, binalikan din ng mga social media user ang mga alaalang kakabit ng bibingka, na hindi maikakailang isa sa mga pagkaing kumukumpleto ng Paskong Pinoy.
"Nami-miss ko tuloy ang bibingka ng lolo ko. Walang kapantay ang lasa. Dami ko naman natikman na bibingka pero hindi ko nagugustuhan, hinahanap-hanap ko 'yong linamnam ng native na bibingka ni Lolo. I miss my lolo," kumento ng social media user na si J. P. Ignacio.
"Lola ko magaling magluto nito. Alam mo ba, gabi pa lamang may order na at bayad na kaya kinabukasan mga 3 a.m. o madaling-araw, nakapila na ang mga kukuha ng order nila. Ubos agad po kasi masarap ang timpla ng lola ko sa bibingka," pagbabahagi ni L. Rayman.
Mayroon din mga miyembro na minsan din nakapagtinda ng popular Christmas kakanin noong kabataan nila, katulad ni E. G. Jacobe.
"Nagtinda ako niyan noong 1980 when I'm still single and I'm now 66 years old. Sarap kaya niyan, sipag at tiyaga lang kailangan," pagbabahagi niya.
Kung mapapansin sa mga kumento, talagang sa pamilya madalas iugnay ang bibingka; lalo na at madalas ito mabili sa simbahan pagkatapos ng Simbang Gabi na isa rin sa mga ginagawa ng magkakapamilya nang sama-sama kapag panahon ng Kapaskuhan.
Ikaw, ano o sino ang ipinaaalala sa iyo ng bibingka? Ibahagi sa comments section!
No comments:
Post a Comment