DavaoPlus

Saturday, 3 September 2022

[New post] Calypso plastic labo niyakap ang pagiging pambasang pambalot

Site logo image Jerome Vitug posted: "Sa pagpasok ng Ber months, paniguradong kabi-kabilaang handaan at party na naman ang dadaluhan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang sunod-sunod na Christmas at year-end party. Kapag may handaan, hindi mawawala ang team balot o iyong mga nagte-take home n" Definitely Filipino News

Calypso plastic labo niyakap ang pagiging pambasang pambalot

Jerome Vitug

Sep 3

Sa pagpasok ng Ber months, paniguradong kabi-kabilaang handaan at party na naman ang dadaluhan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang sunod-sunod na Christmas at year-end party.

Kapag may handaan, hindi mawawala ang team balot o iyong mga nagte-take home ng mga pagkain. At kung pagbalot ng pagkain ang pag-uusapan, laging bida ang Calypso one-kilo plastic bag diyan na kilala rin bilang 'plastic labo.'

Sa pinakabagong Facebook ad ng Calypso Plastic Center Company, tuluyan nang niyakap ng plastic brand ang titulo bilang pambansang pambalot. Ibinida pa nila sa nasabing social media post na pwedeng-pwedeng ipang-take out ng paboritong handa ng mga Pilipino na lumpiang shanghai.

"Target locked sa lumpiang shanghai! Anong paborito n'yong i-take out, mga Sharonians?" lahad ng witty post ng page na may pahabol pang hashtag na "Laging Handa sa Handaan."

Makikita sa larawan sa post na hindi lang lumpiang shanghai ang maaaring i-Sharon gamit ang Calypso plastic labo. Maaari ding mag-uwi ng spaghetti at barbecue gamit ang plastic na ito na mabibili na rin sa iba't ibang sizes, depende sa dami ng iuuwing pagkain.

Nagsimula ang term na 'i-Sharon' bilang pamalit sa term na 'pagbalot' o 'pag-take out' nang gamitin itong coll0quial term hango sa sikat na liriko ng kanta ni Megastar Sharon Cuneta na "Bituing Walang Ningning."

"Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal…" saad ng linya ng kanta ni Sharon. Nagkaroon ng emphasis sa salitang "balutin" kaya naman kalaunan, bilang katuwaan ay ginawa nang "i-Sharon" ang tawag sa pagbalot ng pagkain sa mga handaan.

Bilang patunay na ang Calypso plastic na nga ang pambansang pambalot, sa bukod na post, naglunsad na rin sila ng microwavable plastic containers na mas convenient ngayon para sa mga 'Sharonians.' Mas ligtas kasi sa pagkabutas ang microwavable containers kompara sa plastic labo ngunit mas mahal itong di hamak.

Naging mabenta naman sa netizens ang posts ng Calypso Facebook page. Maraming social media users ang relate na relate sa paggamit ng plastic bilang pambalot ng handa. Ang ilan nga, nai-tag pa ang mga kilala nilang certified 'Sharonians.'

Ayon sa Calypso Plastic Center Company, kahit anuman ang iyong Sharon needs, kumpleto ang kanilang mga produkto.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/calypso-plastic-pambasang-pambalot/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 03, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (21)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.