Malaki ang pasasalamat ng aktor na si Kit Thompson na muli siyang binigyan ng pagkakataong makabalik sa pag-arte matapos ang kinasangkutang kontrobersya.
Kabilang si Kit sa cast ng Vivamax movie na "Showroom" at aniya, masaya siyang may mga naniniwala pa rin sa kaniya. Pag-amin niya kasi, hindi niya inaasahang may matatanggap siyang offer nang lumabas ang balitang sinaktan niya ang noo'y nobyang si Ana Jalandoni.

"Siyempre ano, thankful ako na may mga taong, you know... Tiningnan pa rin kung paano ako magtrabaho, at nakasama ako at kung paano ako. So, nakaka-touch, nakakatuwa," aniya, ayon sa Bandera.
Ipinagdasal daw ni Kit na sana ay bigyan siya muli ng pagkakataon at masaya siyang dininig ito.
"I'm thankful na I'm back! Actually pinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako, nagdasal lang ako and ito, dumating nga. So I thank the Lord for this."

Samantala, sa mensaheng pinadala ng abogado ni Ana sa PEP ay kinumpirma niyang gumugulong pa rin ang kasong isinampa kay Kit.
"Hi there [smile emoticon]. Yes, the case is still on-going. As a matter of fact, there is a scheduled hearing this month. As for Kit, he is entitled to work pa rin naman, kasi under our Constitution, he is presumed innocent pa rin naman until proven guilty, and also, no person shall be deprived of his means of livelihood without due process of law," ani Atty. Faye Singson.

Sa isang panayam noon kay Ana, sinabi niyang handa siyang patawarin si Kit ngunit kailangan nitong pagbayaran ang ginawa niya.
"Nung kinuha na siya nung pulis, pinoposasan na siya, nakatingin lang ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin, umiiyak siya. Parang gusto ko siyang habulin kasi mahal ko e, pero sinaktan niya ako e. Ang hirap," sabi niya sa panayam ni Boy Abunda.
Matatandaang inalis si Kit sa "Ang Babae sa Likod ng Face Mask" at pinalitan ni Joseph Marco. Samantala, pinalitan naman siya ni JC De Vera sa "Flower of Evil."
No comments:
Post a Comment