Good vibes ang dala ng larawan ng isang tuta na nakapila at tila matiyagang naghihintay na mabigyan ng lugaw sa isinagawang feeding program ng isang grupo sa Navotas kamakailan.
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Dennis Den-den TanJuan ang mga kuha ng isang asong unang-una pa sa pila ng mga batang naghihintay ng libreng lugaw mula sa Kings Eagles Club.

"Wala pong sisingit nauna sya sa pila at nag tyaga mag antay sa mainit, masarap at libreng lugaw," biro ni Dennis sa caption.
Marami naman ang natuwa sa tuta dahil tila naintindihan umano nitong may naghihintay na biyaya sa kaniyang pinilahan. "Masunurin yung aso kap.. naka pila.alam nya biyaya ang kanyang pinilahan," sabi ni Nina M.
"Hahaha ang galing naman talagang nag tiyagang mabigyan siya. Lab lab," komento naman ni Maria M.

"Galing naman ni doggie.. parang bata rin siyang nag aantay sa lugaw," sabi naman ng isa pa.
"Cutie naman si bby doggie nakipila din kap," sabi ng netizen.
Sabi naman ng ilang netizens, sana raw ay tularan ng ibang tao ang pagiging disiplinado ng tuta. "Mabuti pa minsan ang Doggy displinado kaysa sa tao… Hehehe… Pero disiplinado naman pati mga bata… Nice 1 Idol/Kap," sabi ni Jay R.

Habang isinusulat ito ay may mahigit 70k reactions at 63k shares na ang post ni Dennis. Hiling tuloy ng netizens, sana raw ay masundan ang feeding program ng grupo at mga stray dog naman ang susunod na mabigyan ng pagkain.
"Ang cute Naman. Next na sguro Yung sa feeding Ng mga stray dog sa navotas. Dami nang likes kap Dennis Den-den TanJuan HAHAHAHAA cute Kasi ni baby puppy lugaw. Maraming nag wish na sanay may feeding for stray dog. bekenemen," komento naman ng isang netizen.
Bukas naman ang uploader sa mungkahing ito. "Nice suggestion po, ma'am," tugon niya.
No comments:
Post a Comment