Fresh na fresh ang look ng komedyanteng si Donita Nose sa isa sa mga recent selfie niya. Ang kanyang beauty, ikinumpara niya sa kagandahan ng popular actress na si Anne Curtis.

Sa Instagram, ini-upload kamakailan ni Donita Nose ang litrato niya na kuha sa kuwarto. Simple at pambahay na spaghetti strap top lamang ang suot.
"May pagka Anne Curtis tayo dito slight," saad niya sa caption ng larawan. "Slight lang ha. Baka may magalit. I know magre-react ang 'di magaganda na kaibigan ko riyan."

Nag-iwan ng kumento ang maraming social media users na pumupuri sa "artistahing" ganda ni Donita Nose. May mga nagsabi rin na kahawig din niya sa litrato ang mga aktres na sina Ana Roces, Zsa Zsa Padilla, at Beth Tamayo.
Donita Nose: Ang big fan ni Donita Rose
Rodello Solano sa totoong buhay, paboritong-paborito raw ni Donita Nose ang aktres na si Donita Rose kaya naman napili niyang i-impersonate ito.
"Ever since kasi na nagkaroon kami ng TV tapos napapanood ko si Donita Rose. Sobrang love ko s'ya. In-admire ko talaga s'ya," kuwento ni Donita Nose sa isang panayam.
"So, kapag nagbi-VJ siya [sa] MTV Asia, sobrang love ko siya. 'Ang galing nito tapos ang ganda pa. Parang ang sarap makasama.' Alam mo 'yon? Parang ang gaan. Which is totoo talaga kasi no'ng na-meet ko siya in person ang bait [niya]. Sobrang bait niya kaya siya talaga ang na-bet-an ko no'n."

Pero paglilinaw ng komedyante, kahit daw may "nose" sa alyas niya ay mali raw ang iniisip ng iba na retokada siya. Aniya, hindi raw niya ipinagawa ang kanyang ilong.
"Kasi Rose siya [Donita Rose]," wika niya habang ipinaliliwanag na sadyang nagra-rhyme lamang ang "nose" sa "Rose" sa pangalan ni Donita Rose. "Tigil-tigilan natin 'yang mga [issue ng] retoke. Hindi. Kasi never akong nagparetoke talaga."
No comments:
Post a Comment