Opisyal nang sumabak sa showbiz ang anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali. Umere na sa NET25 ang comedic anthology na Love, Bosleng & Tali.
Bagaman madalas nang mapanood noon sa noontime show na Eat Bulaga si Tali, ito ang unang TV show kung saan opisyal na cast ang 4-year-old na anak nina Bossing at Pauleen.

Sa magkakasunod na posts sa Facebook account ni Pauleen, one proud mommy ang Kapuso actress. Ayon kay Pauleen, ang gumawa raw ng isang TV show kasama ang kanyang mag-ama ay isang bagay na babaunin niya sa kanyang karera sa showbiz.
"Sho0ting with Vic and Tali is something to enjoy and cherish! Tho it is a bit challenging at times (double pressure on mama), we are closer than ever and the reward is unparalleled," hayag ni Dabarkads Pauleen sa kanyang post.
Nang maipalabas ang unang episode nila, agad na nagpasalamat si Pauleen sa magandang feedback sa show, lalo na sa padami nang padaming fans ng cute na si Tali.

Sa isang panayam, sinabi rin ni Pauleen na katulad ng ilang child star, para lang din raw naglalaro sa set si Tali. Marami naman ang pumuri kay Tali at napansin ang likas na pagiging kwela at mahusay nito. Ayon sa netizens, hindi maipagkakaila na namana ng batang aktres ang talent ng mga magulang niya.
Dagdag pa nina Bossing at Pauleen, nakatulong kay Tali ang madalas na paglabas niya sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga. Sa bahay kasi kinukuhanan ang part ni Bossing at madalas ay bigla na lamang makikigulo si Tali. Dahil sa talento at kakyutan ng bata, madalas na rin siyang hanapin ng mga Dabarkads viewers.

Inaabangan din ng mga netizen ang muling paggawa ni Bossing mga pelikula kung saan kilala siyang kumukuha ng mga batang aktor bilang bahagi ng cast, tulad nina Ryzza Mae Dizon, Jillian Ward, at Bimby Aquino Yap. Hindi raw Malabo na si Tali na ang susunod na child wonder ng Eat Bulaga at ng mga pelikula ni Bossing.
Mapapanood ang Love, Bosleng & Tali tuwing Sabado, 6pm sa NET25. Ang show na ito ng pamilya Sotto ay sinasabing comedy counterpart ng mga drama anthology na Magpakailanman at MMK na hatid ay siguradong good vibes.
No comments:
Post a Comment