DavaoPlus

Tuesday, 20 September 2022

[New post] Estudyante sa Cavite, nagtitinda ng taho habang patungo sa paaralan at kada breaktime

Site logo image Ray Santiago posted: "Isang netizen ang nakakita sa isang estudyante na nakauniporme habang may dala dala itong panindang taho. Nakaagaw-pansin dito ang kanyang dala-dalang dalawang stainless na baldeng may lamang taho, sago at arnibal na pasan-pasan nito. Ang nakabibilib" Definitely Filipino News

Estudyante sa Cavite, nagtitinda ng taho habang patungo sa paaralan at kada breaktime

Ray Santiago

Sep 20

Isang netizen ang nakakita sa isang estudyante na nakauniporme habang may dala dala itong panindang taho. Nakaagaw-pansin dito ang kanyang dala-dalang dalawang stainless na baldeng may lamang taho, sago at arnibal na pasan-pasan nito.

Ang nakabibilib na kuwento ng magtataho

Si Gopi o Gurprit Paris D. Singh sa totoong buhay, ay labing-anim na taong gulang at Grade 11 sa kanyang pinapasukang paaralan. Siya ay ipinanganak sa Cebu City at nakatira ngayon sa Tanza, Cavite.

Ang estudyante ay may lahing Indiano dahil ang kanyang tatay ay isang Indian National. Ang nanay naman niya ay isang Filipina.

Ayon sa post ng Epipanio Delos Santos Avenue, madaling-araw pa lamang ay gising na si Gopi upang ihanda ang paninda niyang taho. Mismong ang kanyang ina ang nagluluto ng arnibal at sago na inilalahok sa malinamnam at mainit-init na paninda niyang taho.

Inilalako niya ang taho sa kanilang lugar bago pumasok sa kanyang paaralan at kapag hindi ito naubos, inilalako niya ito sa loob ng kanilang paaralan. Hindi niya umano alintana ang init ng panahon at pagod dahil gusto nitong makapagtapos ng pag-aaral.

Nakikiusap siya sa guwardya ng eskwelahan na pansamantala nitong iiwan ang panindang taho habang siya ay nasa klase. At kapag breaktime, inilalako niya ang kanyang paninda pati na rin sa pag-uwi.

 

Ang kanyang naiuuwing pera ay umaabot sa 400 hanggang 600 piso. Dagdag pa nito, kailanman ay hindi ikinakahiya ni Gopi ang kanyang ginagawa.

"There is nothing to be ashamed of sa ginagawa ko. I am doing an honest job without harming anybody else. My parents, teacher, and classmates are very supportive," pagmamalaki ni Gopi.

"Life is like math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me," dagdag pa ni Gopi.

Siya ay nangangarap na maging isang Civil Engineer balang araw.

Samantala, silipin natin ang video na ibinahagi ni Jhap Tarog sa Facebook kung saan ang estudyante ay namataan niyang naglalako ng panindang taho.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/estudyante-taho/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 20, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (15)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.