Natatandaan n'yo pa naman siguro si Lolo Delfin ng 'Ang Probinsyano'?
Si 'Lolo Delfin' - o Jaime Francisco García Fábregas sa totoong buhay - ay isang batikang aktor na sumasabak sa kahit anong tema ng film industry. Sinimulan ni Fábregas ang kanyang karera sa pag-arte sa teatro bago pumasok sa show business. Naging bahagi siya ng Repertory Philippines kung saan umarte siya sa maraming dula at musikal.
Marami ang hindi nakaaalam na isa rin siyang musical scorer, at nanalo na ng mga parangal para sa kanyang mga gawa sa mga pelikula. Ang Shake, Rattle & Roll, na ipinalabas sa 1984 Metro Manila Film Festival (MMFF), ay tumanggap ng Best Music accolade, isang pelikula kung saan siya ang gumawa ng musical score.

Sa isang video na kuha ng Elegee Custom Guitars ay nakapanayam ng isang staff si Jaime habang ito'y naggigitara at ang video ay umani na ng 1.3M views, 73k reacts at 1.1k comments.
Aniya "Ang ganda, ganda, ganda na ng tunog nito. Ang lambot."

Tinanong pa ito kung siya ba ay tumutugtog ng Jazz music o kahit ano.
"Kahit ano, actually kahit anong grupo namin noon although palagi kaming napupunta to improvisations, kasi ang tawag sa 'min sa panahon na yon was 'Jamband" talaga. Tuwing may tugtog kami noon, nagdadatingan lahat ng musiko eh" saad ng aktor.
Habang pinapanood ito ng mga staff ay tuwang-tuwa at kita sa mga mukha nila ang saya habang tumutugtog ang aktor. Marami ang naaliw na netizens at umani ng samu't saring komento at reaction ang naturang video.

Maraming netizens ang nagulat dahil hindi nila alam na nagigitara pala ang aktor. Inihalintulad pa siya ng isang netizen kay 'James Taylor'; isang american singer at songwriter.
"Aba'y ang galing pala ni Sir Jaime Fabrgas. Musically talented pala. You're great."
"Very talented pala talaga si Mr. Jaime F, I can see that he's also a music lover."
"I am amazed to see for the first time How Gen/ Lolo Delfin played a guitar.. Awesome!.."
"Halos lahat ng pelikula nuong araw pag tinignan mo sa end or beginning credits si sir jaime fab and musical score director...."
Humakot naman ng daang-daang likes ang komento na isang netizen na nagsabing, "Namiss ni Lolo Delfin maggitara 7 taon nakipagbarilan eh!" hahaha Tumutukoy ito sa teleseyeng kinabilangan niya kasama si Coco Martin.
Hindi lang siya aktor at comedian; musikero rin pala! Iba ka talaga, Lolo Delfin! Da best!
Panoorin!
No comments:
Post a Comment