DavaoPlus

Sunday, 4 September 2022

[New post] Jillian Ward na si Trudis Liit noon, doktor na ang role ngayon

Site logo image Jerome Vitug posted: "Dalaga na talaga ang isa sa pinakasikat na child stars ng 2010s na si Jillian Ward. Matapos niyang sumikat sa role na Trudis Liit noong 2010, ngayon ay nakatakda na siyang gumanap bilang isang doktor sa bagong teleserye ng GMA Network. Unang beses na b" Definitely Filipino News

Jillian Ward na si Trudis Liit noon, doktor na ang role ngayon

Jerome Vitug

Sep 4

Dalaga na talaga ang isa sa pinakasikat na child stars ng 2010s na si Jillian Ward. Matapos niyang sumikat sa role na Trudis Liit noong 2010, ngayon ay nakatakda na siyang gumanap bilang isang doktor sa bagong teleserye ng GMA Network.

Unang beses na bibida si Jillian bilang isang teen actress sa Afternoon Prime inspirational series na "Abot-Kamay na Pangarap." Gaganap si Jillian bilang Analyn, isang anak mahirap na makapagtatapos ng pag-aaral at magiging doktor.

Makakasama ni Jillian sa nasabing serye ang aktres na si Carmina Villaroel na gaganap na kanyang nanay na 'no read, no write 'at may suliranin sa pagkatuto. Iikot ang kuwento sa mag-ina na magkaiba man ang estado ng pag-iisip ay mayroon namang iisang pangarap—ang umunlad ang pamumuhay.

Ayon kay Jillian na isa sa gino-groom ngayon ng GMA Network bilang pinakabago nilang leading lady, hindi maiwasang makaramdam siya ng kaba sa napakalaking role na ipinagkatiwala sa kanya. Nagkaroon man ng top-rating show si Jillian noong 2019 at 2020 na Prima Donnas na napanood rin sa afternoon timeslot, iba raw ngayon dahil wala na siyang kahati sa lead role.

Nakasama ni Jillian sa nasabing show ang mga kapuwa teen stars na sina Sophia Pablo at Althea Ablan na bibigyan na rin ng GMA ng kani-kanilang titular roles.

Maliban sa ito ang unang starring role ni Jillian, nakadaragdag sa kanyang kaba na marami siyang beteranong mga artistang kasama tulad nina Carmina, Richard Yap, Dominic Ochoa, at Pinky Amador. Lagi raw niyang tinatanong sa taping kung tama ba ang emosyong ibinibigay niya sa bawat eksena. Mapalad naman daw siya na makahanap ng mentor sa mga kasamang aktor.

Isa rin umano sa paghahandang ginawa ni Jillian ay ang pagkabisado ng mga linyang may kinalaman sa medisina. Hindi raw ito nagging madali dahil napakaraming bagong salita ang ngayon niya lang natuklasan ngunit kailangang sabihin sa mga eksena nang may kompiyansa.

Isa ring sikat na pangalan si Jillian sa social media. Kamakailan ay ibinahagi ri niya ang bagong bili niyang sasakyan. Marami din ang nagsasabing si Jillian ang magmamana sa titulong Primetime Queen mula kay Marian Rivera na isa sa mga idolo ng teen actress.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/09/jillian-ward-trudis-liit/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at September 04, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (22)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.