DavaoPlus

Monday, 3 October 2022

[New post] Cologne man o love potion? Ang ‘mahiwagang kuwintas’ ng mga batang Pinoy noon

Site logo image Rexel-ian Reyes posted: "Nagsusuot ka rin ba dati ng "mahiwagang kuwintas"? Ang maliliit at pahabang mga lalagyan na may lamang makukulay na liquid at madalas na itinitinda sa labas ng paaralan noon? Bukod sa identification (ID) card, may iba pang nakasabit sa leeg ng mga mag-" Definitely Filipino News

Cologne man o love potion? Ang 'mahiwagang kuwintas' ng mga batang Pinoy noon

Rexel-ian Reyes

Oct 4

Nagsusuot ka rin ba dati ng "mahiwagang kuwintas"? Ang maliliit at pahabang mga lalagyan na may lamang makukulay na liquid at madalas na itinitinda sa labas ng paaralan noon?

mahiwagang kuwintas

Bukod sa identification (ID) card, may iba pang nakasabit sa leeg ng mga mag-aaral kapag pumapasok sa paaralan noong 1990s. Usong-uso rin kasi noon ang maliliit na sisidlang bote na mayroong may kulay na liquid sa loob, na madalas ay ni hindi alam ng mga batang mismong nagsusuot kung ano ba talaga ang nilalaman.

Sabi ng iba, cologne o pabango ang laman nito. Ang iba naman na mas malawak ang imahinasyon ay naniniwalang "love potion" ang mga ito.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga sandaling hindi nila nakalilimutang isuot ang kanilang "mahiwagang kuwintas" at naniniwala pa sila sa pakinabang nito, bilang pabango man o bilang "gayuma" sa kanilang mga nagugustuhan.

mahiwagang kuwintas

"Akala ko noong dati may kapangyarihan ang laman niyan kasi 'yong mga napanonood ko noon 'yong mga kuwintas nila na may kapangyarihan," komento ng netizen na si C. E. Rine.

"Isinusuot ko 'yan noon kapag inuutusan ako ng mama ko sa gabi, tapos feeling ko hindi ako malalapitan ng aswang dahil suot ko 'yan," pagbabahagi ni C. J. Ruamar.

"Ang pagkakatanda ko riyan, 'yan ay isang love potion na 'pag naamoy ka ni crush eh maghahabol na siya sa iyo. Kaya noong suot ko 'yan, feeling ko ako talaga tinitingnan ni crush," ani D. Richnel.

"Love poison daw tawag diyan. Madami raw magkaka-crush kapag nagsuot ka," wika ni M. Guevara.

mahiwagang kuwintas

Kuwento naman ni D. Ramos, "Sabi ng kaibigan ko noong bata pa ako, 'Kapag suot mo 'yan, lalapit sa iyo ang crush mo. Kaya bumili ako ng ilang piraso noon."

Nagsuot ka rin ba nito? Ano ang hindi mo makalilimutan sa mga kuwintas na ito?


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/10/cologne-love-potion-kuwintas/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at October 03, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (22)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.