Matagal-tagal na ring magkasama ang reel-to-real couple na sina Kim Chiu at Xian Lim o ang tambalang mas kilala sa tawag na "KimXi".
Sa haba ng panahon, napalapit na rin si Kim sa ina ni Xian na si Mary Anne Lim at talaga naman daw suportado nito ang relasyon ng dalawa sa loob at labas man ng bawat eksena.

Kamakailan, sa isang rare opportunity, nakasama ni Kim sa kanyang YouTube vlog ang mag-inang Xian at Mary Anne. Dito, ibinahagi ni Mary Anne kung gaano siya ka-proud sa KimXi at kung gaano siya kasaya sa mga nararating ng magkapareha.
"Reminder to KimXi that we should always remember?" tanong ni Kim sa ina ng aktor.
"Syempre 'yong forever kayo. That explains everything. Forever. I'm happy nagkakasundo kayo. Wala kayong scandal, wala kayong third party. It's very pure. I'm very proud. I can say perfect love team. Ganun ang KimXi. It transcends all generations," aniya.

Samantala, naitanong din ni Kim kay Mary Anne ang iba pang mga bagay tungkol sa KimXi, kabilang na ang mga pinakapaborito nito at hindi gaanong gusto sa mga proyekto na kanilang ginawa bilang love team. Kuwento ng ina ni Xian, ang dalawa sa mga pinakapaborito niya ay ang Bride for Rent at ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?, kasabay din ng pag-amin din na hindi kasama sa mga choice niya ang Past Tense.
"Pinakagusto ko 'yong Bride for Rent. Gusto ko rin 'yong Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? Ayaw ko 'yong Past Tense," wika niya.

Dagdag pa rito, kasama rin sa topic ang mga favorite memory na nagawa niya kasama si Kim. Masayang pagbabahagi ni Mary Anne, "Marami na. Lalo na kapag nag-iinvite kami kay Kim. Kahit na simple lang ang food, gustong-gusto ni Kim. Hindi naman ako marunong magluto."
Panoorin ang nakatutuwa nilang bonding sa vlog na ito:
No comments:
Post a Comment