Para sa aktres na si Maymay Entrata, isa sa mga special na katangian ng kasintahan niyang si Aaron Haskell ang pagiging consistent nito.

Sa isang interbyu sa PEP Ph, ibinahagi ni Maymay kung gaano siya kasaya sa piling ng nobyo.
"Masaya, sobra. Special? Consistent, do'n tayo," kuwento ng aktres.
Nauna nang ibinahagi ni Maymay na kapwa sila committed ni Aaron nang pumasok sila sa relasyon kahit pa malayo sila sa isa't isa at itinuturing umano nilang isang responsibilidad ang commitment.
"Pumasok ka sa relationship, dapat committed ka. Responsibility natin 'yung pagiging committed sa partner natin," wika niya, ayon sa ulat ng PhilStar.
Masaya rin daw siya dahil nararamdaman niya talaga na siya ang priority ng kasintahan, "Kapag consistent 'yung nagmamahal sa'yo, araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa. Araw-araw talaga. Ganito pala 'yung feeling na ako 'yung priority."

Sa gitna ng tuwang nadarama, hinikayat ni Maymay ang supporters niya na maging matapang para sumubok, sa buhay man o sa pag-ibig.
"Sa mga taga-suporta ko na nandito ngayon sa meet-and-greet, sana nag-enjoy kayo kahit hindi man tayo in-person. Sana mangibabaw kung ano man ang nakakapagpasaya ng puso natin. Huwag na huwag po tayong matakot na mag-risk sa kung ano ang magpapasaya sa atin kasi sinasabi ko sa inyo magiging worth it talaga 'yon!" aniya.
Ngayong maganda ang itinatakbo ng karera at buhay-pag-ibig niya, simple lamang ang hiling ng Kapamilya star, "Siguro ang mahihiling ko ay consistent na peace sa heart ko. Kahit na ano mangyari sa buhay ko, hindi ako mao-overwhelm or 'di lalaki ang ulo ko. Sa Kanya talaga ang lahat. Ayoko lang na sana aabot sa point na nao-overwhelm na ako. Iyan lang talaga ang mahihiling ko, at saka siyempre kaligtasan ng pamilya ko. Ang mahihiling ko naman sa career ko, ako talaga inaaral ko ang lahat ng ibinibigay sa akin—acting, singing, dancing—tuluy-tuloy naman."

No comments:
Post a Comment