DavaoPlus

Thursday, 27 October 2022

[New post] Guro nakiusap sa mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak

Site logo image Jam A posted: "Nakiusap ang isang guro sa mga magulang na gabayan nila ang kanilang mga anak matapos magbahagi ang kapwa guro niya ng hindi magandang karanasan sa isang mag-aaral. Nagbahagi si Sherwin San Miguel ng screenshot ng post ng isang hindi pinangalanang guro" Definitely Filipino News

Guro nakiusap sa mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak

Jam A

Oct 28

Nakiusap ang isang guro sa mga magulang na gabayan nila ang kanilang mga anak matapos magbahagi ang kapwa guro niya ng hindi magandang karanasan sa isang mag-aaral.

Nagbahagi si Sherwin San Miguel ng screenshot ng post ng isang hindi pinangalanang guro na walang kamalay-malay na nakuhanan na pala ng larawan ng kaniyang mag-aaral at nai-post sa Facebook stories.

Naglabas ng kaniyang sama ng loob ang gurong ito dahil pakiramdam niya ay nabastos siya sa ginawang ito ng isang Grade 11 student.

Kuwento niya, habang nagtuturo siya ay isang estudyante ang nagsabi sa kaniyang naka-post na pala ang larawan niya sa Facebook stories. Marami na rin daw ang nakakita nito.

"Yung nagdi-discuss ka. Ginagawa mo nang maayos trabaho mo, tapos biglang may magsasabi sayo na estudyante mo na nama My Day ka na raw at ang dami nang views and react," sabi ng guro sa isang post sa Facebook group na DepED Tambayan.

Aniya pa, wala naman siyang ibang ipinakita kundi kabutihan para sa kaniyang mga mag-aaral kaya ikinalungkot niya ito.

"Iba na talaga mga kabataan ngayon. Ang hirap unawain, Mabait ka naman sa klase nila. Wala kang binabastos o ipinapahiya pero yan pa ang sukli sa akin ng isa sa kanila."

Panawagan naman ni teacher Sherwin, sana ay disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Naglabas din siya ng saloobin sa mga estudyanteng hindi naglalaan ng panahon upang gawin ang mga takdang-aralin.

"Mga magulang sana nakikita niyo to. Kaninang umaga, isa lang ang nagpasa ng assignment na ibinigay ko, isang linggo ang nakalipas. Sa isang section pito lang ang nagpasa. Bakit ganun?" sabi ng guro sa kaniyang post.

"Yung sinabi nung teacher sa post 'wala kang binabastos at ipinahihiya pero ito ang sukli sakin,' ang sakit sakit makabasa nito bilang isang guro! Sana disiplinahin niyo ang mga anak n'yo. Pakiusap," dagdag niya pa.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/10/guro-nakiusap-sa-mga-magulang-na-disiplinahin-ang-kanilang-mga-anak/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at October 27, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (23)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.