Dahil sa kaniyang epektibong pagganap bilang 'tormentor' ng mga bida sa isang teleserye, hinirang si Dimples Romana bilang 'Fan Favorite Kontrabida' sa kauna-unahang Jeepney TV Fan Favorite Awards na ginanap nitong Sabado, Oktubre 22.
Kinilala ng Jeepney TV Awards ang galing ng Kapamilya aktres sa kaniyang pagganap bilang si Daniela Mondragon sa sikat na teleseryeng 'Kadenang Ginto'.
Ibinahagi pa ni Dimples sa Instagram ang kaniyang kasiyahan at pasasalamat dahil sa natanggap na award.
Screenshot mula sa Instagram| Dimples Romana
"Years later and still #OhDani slaaaying it again like a true MONDRAGON. Ikaw talaga Daniela ha! Hindi nauubos ang pasabog mo sakin eh," ani Dimples sa kaniyang post.
"Voted as the FIRST ever @jeepneytv Fan Favorite KONTRABIDA. All my love to all my Baby Dragons and all the true Mondragons out there who voted for me!!! KAYO TALAGA ang TUNAY na mga Mondragon," dagdag pa nito.
Pinasalamatan din ni Dimples ang kaniyang Dreamscape family, ang ABS-CBN, Star Magic at Kadenang Ginto family pati na ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Imahe mula sa Facebook
Aniya, "Mabuhay po kayong lahat. May Daniela be a constant reminder how even those perceived with the darkest of hearts will always have good in them, we just need to dig deep and find that one tiny spot of gold no matter how difficult it may seem. Oh and of course to slay life with or without that red maleta."
Kung matatandaan, nag-trending noon sa social media ang larawan ni Daniela na nakapulang damit at may hila-hilang maleta na ginawan pa ng mga nakatutuwang memes ng mga netizens.
Imahe mula sa Facebook
Samantala, bukod kay Dimples, wagi rin ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nahirang bilang All-Time Favorite Love Team, Fave Lead Actress , at Fave Lead Actor, ayon sa pagkasunod-sunod.
Hinirang din ng mga Kapamilya fans ang "La Luna Sangre" bilang Fave Fantaserye, ang "Got To Believe" bilang Fave Teleserye, "Pinoy Big Brother" bilang Fave Game/Reality Show, at "The Broken Marriage Vow," bilang Fave Foreign Drama Adaptation.
Ang kabuuan ng "Jeepney TV Fan Favorite Awards: TV Special" ay mapapanood na sa Oktubre 30, dakong alas-9 nang gabi sa Jeepney TV, SKY Cable Channel 9, Cignal Channel 44, GSat Channel 55, and SatLite Channel 37.
No comments:
Post a Comment