Masamang-masama ang loob ng isang dog owner sa pagkawala ng alaga niyang aspin matapos niyang pumayag na isakay ang alaga sa compartment ng bus. Nagpabaya umano ang konduktor ng sinakyan niyang bus na pa-Batangas.
Nag-viral ang Facebook post ng estudyante na si Luna Maye Alberto Legaspi noong Setyembre 20, kung saan ay ikinuwento nito na papunta umano siya sa Batangas kasama ang kanyang alagang aso na si Brownie.

"Papunta dapat kaming Batangas tapos nung nasa cubao kami sabi ng kundoctor Bawal daw yung dog, nagback out na kami tapos bigla silang nagdecide na sa ilalim na lang daw si brownie kase malinis naman daw dun."
Ayun, inilagay na nga ng konduktor sa compartment ang aso. Binilinan pa raw niya ang konduktor na kapag hihinto ay tawagin muna siya bago buksan ang compartment sa kadahilanang baka sa apat na oras na nasa ilalim ang kanyang alaga ay baka magpaikot-ikot ito at maalis ang tali nito.

"Pero nung nag-stop over kami sa SLEX PETRON pababa na ako nun, tuwang tuwa pa nga kase makikita ko si Brownie tapos bigla na lang pagbaba ko sabi nung babae "ATE 'YUNG ASO MO NAWAWALA PO," aniya.
"'Yung kundoktor binuksan 'yung ilalim. Ang sabi niya tumalon daw si Brownie tapos nung hinahanap ko sa kanya kung san gumawi ni hindi niya alam, pinabayaan na lang na umalis," dagdag pa niya.
Sa pagkakawala ng kanyang aso noong Setyembre 17 alas syete ng gabi ay nanawagan ito sa Bus liner company na kanyang sinakyan. Ngunit tanging pasensya lamang umano ang natanggap nito.

Maraming netizens naman ang nagmalasakit na nag-send ng mga larawan ng mga asong pagala-pagala, nagbabaka-sakali na ito 'yung alaga niya. Ngunit wala sa mga iyon ang kanyang mahal na alaga.
Hanggang nitong Oktubre 30 ay hindi pa rin nakikita si Brownie at patuloy pa ring umaasa ang kanyang owner na mahanap ito, Nagkakabit ito ng paskil bukod pa sa social media. May update ito sa kanyang FB account kung saan siya nagtutungo.
Umaasa din ang maraming netizens na sana nga ay makita na siya. Isa't kalahating buwan na ngunit wala pa ring linaw kung saan napagawi ang fur baby niyang si Brownie.

No comments:
Post a Comment