Kahit gaano pa kahirap o ano man ang pagdaanan nating sitwasyon sa buhay,kung gusto nating matupad ang ating mga pangarap ay gagawin natin itong posible sa pamamagitan ng ating pagtitiyaga.
Naging emosyonal ang mga netizens sa nag-viral na video ng isang mag-aaral na PWD (person with disability) na ibinahagi ng kanyang guro sa Tiktok.
Nahihirapan pero lumalaban
Si Divina Camelle Kapalac Tampus ay nag-aaral sa Cebu Technological University ngunit may kapansanan pala ito sa mata.
Makikita si Divina na hirap na hirap basahin ang mga nakasulat sa papel at halos idikit na ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa.

Ani ng guro sa photo caption, "nahihirapan pero lumalaban pa rin sa kanyang pangarap." Dagdag pa niya ay estudyante niya ito sa Bachelor of Elementary Education.
Ayon kay Sir Christian, hindi na makakita ang isang mata nito habang ang isa ay medyo malabo o blurry naman ang paningin na kailangan pang itutok ni Divina ang kanyang kanang mata para makabasa.
"First meet ko po 'yun sa kanila at nag-orientation agad ako sa kanila at nalaman ko situation niya," tugon niya sa komento ng isang netizen.

Sa iba pang videos ay nag-update ang guro na nag-home visit siya kay Divina at sa pamilya nito dahil sa mga nagnais na makatulong para mapatignan ang kanyang mga mata at malapatan ng lunas.
Naibahagi ni Sir Christian na ang ina at mga lolo at lola ni Divina ang nag-aalaga sa kaniya at sa tatlo pa nitong kapatid.
Naglaan ang kanyang ina ng study table para makita niya nang mas maayos ang kanyang mga learning materials at sa pagre-review na rin ng kanyang mga lessons.
Maraming netizens ang naantig at tumulong kay Divina dahil sa tiyaga nito sa kanyang pag-aaral.
Ilang netizens din ang gustong mag-donate ng salamin para sa kanya. Talaga nga namang deserve niya na matulungan dahil sa ipinapakita nitong determinasyon sa pag-aaral.
"Ganitong mga klase ng tao ang masarap buhusan ng Tulong.. God bless sayo Young lady."

"Naiyak ako. hindi po ako naawa, SOBRA PO AKONG HUMANGA. lumalaban kahit nahihirapan. SALUTE po sayo sis, praying na maabot mo po ang mga pangarap mo."
"'Di po ba pwede may mag-donate ng salamin po? nadurog po 'yung puso ko, kung pwede po siya ng salamin ako po ang mag-donate po."
"'Yan ang may pangarap kase magtiyagang nag-aaral kahit nahihirapan, Godbless po siguradong may mga magandang puso ang tutulong sayo."
No comments:
Post a Comment