Seasoned singer and actress na, strong and independent woman pa. Hindi maikakaila kung gaano kapursigido ang kilalang personalidad na si K Brosas.
Sa gitna ng mga achievement niya, may mga napapaisip din kung bakit hindi pa nagse-settle down si K ngayong nasa late 40s na siya. Ngunit natatawang wika ng singer-actress, bukod sa tinatamad siyang maghanap, hindi na rin daw siya tinatablan ng kilig sa kasalukuyan.
"Kung naghahanap eko, e, 'di dapat binubuksan ko yung Tinder ko o Bumble," saad niya sa isang panayam ng PEP Live.
"Binubuksan ko para matawa sa sarili ko. Tinitignan ko nagla-like sa akin tapos wala naman ako sinasagot," pagpapatuloy niya sabay pakita ng kanyang Tinder app, "Exhibit A. Hahaha!"

Ayon pa kay K, kahit pa hindi siya busy ay hindi na niya talaga prayoridad ang pakikipag-date.
"Like, kasi kahapon nag-check ako. Kita mo gaano ako katamad. Tinitingnan ko lang siya ta's wala naman ako sinasagot. E, ngayong October, medyo free ako nang kaunti. Nandiyan 'yong puwede siguro ako makipag-date, puwede ako makipag-meet up," wika niya. "Tinatamad ako, teh! Tsaka aaminin ko, wala na, wala akong gana. Wala na 'yong kilig. 'Di ko alam kung bakit."
"Baka naiwan ko sa bahay or something. Baka na-misplace ko lang. Di ba, parang kinikilig ka kapag nakakakita ka ng text, wala. Pakihanap nga!" biro pa ng aktres.

"Sabi ng friend ko, 'Bakla ka, 'di ka naman lumalabas. Nasa trabaho-bahay-trabaho ka lang.' Which is true. 'Pag nag-a-abroad ka naman 'di ka rin pala-gimmick.' Tama nga naman sila kaya kailangan buksan mo yung puso mo sa online app. E, kaso, 'Te, nakapaarte ko! 'Tsaka wala kasi lumalapit."
Masaya din daw kasi siya sa itinatakbo ng kanyang karera at sa mga naaabot na pangarap. Bahala na raw ang Panginoon kung pagkakalooban siya ng makakasama. Kung wala, wala rin naman daw problema.
"Bahala na si Lord. Kung anong ibigay ni Lord. Pero kung hindi, hindi naman ako dine-define ng lalaki. Never tayong made-define ng isang lalaki," aniya.

No comments:
Post a Comment