Sa kabila ng pagiging bahagi ng isang long distance relationship o LDR, nananatiling masaya at matibay ang pagsasama ng aktres na si Sue Ramirez at ng kanyang politician boyfriend na si Victorias City Mayor Javi Benitez.

Ayon sa ulat ng PEP, ikinuwento ni Sue ang sikreto ng isang LDR. Aniya, sa kabila ng pagiging challenging, kaya naman ang ganitong set up basta may tamang balance sa relasyon at batid ng parehong parte ang kanilang mga priorities.
"Naku, alam niyo po kailangan lang nating makuha yung tamang balance. Tsaka, of course, manage also your priorities, 'di ba?" wika niya. "Ang hirap kaya maging tao sa totoong buhay lang, ang dami mong mine-maintain—'yong balat mo, 'yong internal organs mo, 'yong dugo mo, lahat, 'yong friendships mo, 'yong mental health mo, 'yong diet mo, 'yong pamilya mo."
"Ang dami-dami nating kailangan i-maintain so you have to just find the perfect balance para sa lahat ng tao sa paligid mo," pagpapatuloy niya. "So, siyempre, right now, ang priority ko po is working and I'm so happy that I'm so busy."

Masayang-masaya raw si Sue ngayon dahil kahit pareho silang busy ay talagang nagagawan nila ng paraan para suportahan ang isa't isa.
"Si Javi is very proud of me, talagang when he takes me around. You can really see it and feel it na talagang happy siya pag kasama niya ako at nadadala niya ako dun sa mga constituents niya," saad niya. "Tamang balanse lang po ang kailangan."
Samantala, pagbabahagi ng aktres, bago pa man nanalo bilang mayor ng Victorias City, Negros Occidental ang kasintahan niya ay "mentally prepared" na siya sa nasabing set up ng relasyon nila.
"Busy rin naman si Javi which is a good thing. Well, just recently, tuwing puwede kami magkita, magkikita kami. So, siguro 'yon na 'yong naging understanding namin," sabi niya.

No comments:
Post a Comment