Matapos ang kinasangkutang gusot ay nagkaayos na ang mga vlogger na sina Zeinab Harake at Toni Fowler.
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Toni ang palitan nila ng mensahe ni Zeinab sa Instagram. Makikita rito na humingi ng tawad ang huli dahil sa inilabas na impormasyon ni Wilbert Tolentino na tinawag umano ni Zeinab na "trash" ang pamilya ni Toni.

"Hello ate again gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya alam ko abot at naiintindihan moko base sa kwento ni mg. gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat pasensya na talaga," saad sa mensahe ni Zeinab.
Nang malaman ni Toni ang tungkol sa sinabi ni Zeinab ay nag-live siya sa Facebook upang depensahan ang kaniyang pamilya.
"Totoong nagpapatawad ako kay Zeinab. May anak ka nang tao. Naiintindihan kita. Sinabihan mo ko ng trash pero ang hindi ko matanggap, at hindi ka siguro mapapatawad, dahil hindi ko naman hawak ang utak ng iba ay ang sarili kong pamilya -- ang ToRo family -- para tawagin mong trash," sabi ni Toni sa kaniyang Facebook live.

Gayunpaman, matapos na humingi ng paumanhin si Zeinab ay sinabi ni Toni na napatawad na ito ng kaniyang pamilya. "Lahat po ay ok na para sa amin," sabi ni Toni.
"Zeinab. Pinahiya kita. Ginantihan kita. Pero eto ka nag sosorry. Saludo ako sayo dyan. Ingatan mo ang sarili mo at ang tao sa paligid mo," tugon ni Toni sa mensahe ni Zeinab.
Humingi rin siya ng tawad dahil sa ginawang pagla-live.

"Hihingi din ako ng pasensya dahil nag palamon ako sa emosyon ko para sa pamilya ko. Pangit ang ginawa ko sayo pabalik pero hindi ka nag pride," aniya.
"Salamat don at ok na kami ng pamilya ko dito. Lahat ay may kapatawaran. Lahat sana ay maging ok para sa team mo at lalong lalo na para kay BIA."
No comments:
Post a Comment