Upang matuldukan na ang ugat ng naging gulo nila ni Wilbert Tolentino, nilinaw na ni Zeinab Harake na hindi nga tungkol sa kaniya ang post na nagpapahaging sa mga kaibigang nakasakit sa kaniya.
Paliwanag ni Zeinab, tungkol ang post sa mga taong nakilala niya kamakailan na may nagawang hindi maganda sa kaniya.

"Mas pinili kong maging private yung ibang personal issues ko last time kaya wala akong naishare pero alam ng lahat ng tao sa paligid ko kung anong nangyayare sakin off cam, at dahil hindi ko na kayang laruin na lang ako palagi ng mga taong nakikilala ako napa post ako ng ganito," ani Zeinab sa isang Facebook post.
Taliwas sa inakala ng netizens ay hindi si Wilbert ang kaniyang pinatatamaan.
"Hindi para patamaan ko si Wilbert Tolentino sa post na to. sinubukan ko makipag usap in private but nangyare na ang hindi dapat mangyare. Kaya kung hindi kaya maayos in private dito ko na gagawin," aniya pa.

Sinabi rin niya na hindi magandang nadamay ang ilang mga personalidad na tahimik ang buhay.
Humingi rin siya ng tawad kay Wilbert kung nagkaroon siya ng pagkukulang dito bilang isang kaibigan.
"Kung sa tingin mo naging masamang kaibigan o tao ako at may mali ako sa lahat ng nangyare satin pasensya ka na at gusto ko na lang din magkapatawaran tayo kahit sa puso't isip na lang natin," pahayag ni Zeinab.

"Hindi ka naging user dahil naging beneficial naman tayo sa isa't isa hindi ko intensyon sirain ang pangalan mo walang ganun at never kitang ipapahiya at paparinggan dahil minahal naman talaga kita as kaibigan/mamshie ko."
Sa post naman niya sa kaniyang Facebook page ay nagpasalamat siya sa aral na natutuhan sa karanasan na ito.
"Mag move on matuto magpatawad humingi ng tawad at ayusin ang mga pag-kakamali. salamat sa leksyon mas magiging mabuti tayong tao kung pipiliin natin umiwas sa pagkakamali. again sa inyong lahat patawad at salamat."
No comments:
Post a Comment