Sa gitna ng mga dumarating na blessings kaugnay ng pagganap niya bilang Padre Salvi sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, isang regalo ang natanggap ng aktor na si Juancho Triviño at ng kanyang asawang si Joyce Pring: isang bagong supling.
Sa Instagram, ibinahagi ni Joyce ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, "THERE'S A BABY IN MAH BELLY. Baby number TWO coming in hot this April 2023! Surprise!"
[RELATED - Joyce sa date nila ng asawang si Juancho: 'The rumors are true, Padre Salvi has a full head of hair']
Kuwento ng celebrity couple, nalaman nila ang tungkol sa pagdadalantao ni Joyce noong Agosto. Hindi raw naging madali ang mga unang buwan ngunit nairaos din naman.
"The first 3 months was ROUGH. Had some bleeding. I was nauseous ALL THE TIME, I did NOT want to eat anything, and it was just a hard time overall," ani Joyce.
"I went through some of the toughest experiences during the first few months of this pregnancy; most of them without my husband by my side because of the lock in taping," kuwento pa ng television personality. "But by the grace of God, here we are. Happy, healthy, and expecting our little baby in a few months. What an incredible blessing. Thank you, Jesus!"
Blessed season
Bukod sa kanilang baby no. 2, matatandaan na sunod-sunod ang biyaya sa career ni Juancho. Kamakailan ay inanunsyo na nominado ang aktor sa TAG Awards Chicago bilang Best Supporting Actor dahil sa pagganap na Padre Salvi.
[RELATED – 'Sa 10 years ko sa showbiz, first time ko 'to': Juancho may TAG Awards Chicago nomination dahil sa role na Padre Salvi]
Sa Twitter, napa-wow ang aktor nang makitang nominado siya para sa parangal. Aniya, ito ang unang beses na nangyari ito sa tagal niya sa industriya.
"Ah, wow, sa 10 years ko sa showbiz, first time ko 'to," pagbabahagi niya.
Madalas din napag-uusapan ang pagganap ni Juancho sa teleserye. Marami ang natutuwa—at naiinis—sa kanya at sa katunayan, maging ang mga kapamilya ni Barbie ay napansin na rin ang potrayal niya sa nasabing role.
Umiikot ang kuwento ng serye sa istorya ng karakter na ginagampanan ni Barbie na si Klay, isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, si Padre Salvi ang nagdulot ng matinding kapahamakan kay Crisostomo Ibarra.
[RELATED - 'Inis na inis sa 'yo ang nanay at ate ko': Pamilya ni Barbie pinuri ang pagganap ni Juancho bilang Padre Salvi]
No comments:
Post a Comment