Noon hanggang ngayon, naging tradisyon na ng maraming Pilipino ang bumili ng mga pasalubong para sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa tuwing uuwi ng probinsya.
Dahil dito, ang mga bus station at kalapit na lugar ng mga ito, ay madalas mayroong mga pasalubong center o mga naglalako ng kung ano-anong puwedeng madalas. Ilan sa mga madalas ipasalubong ay ang mga biscuit na nasa lata, malalaking balot ng chips, matatamis na pagkain, at marami pang iba.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan marami ang mga klase ng pasalubong na madalas nilang dinadala sa tuwing uuwi ng probinsya.
"Siyempre, kapag uuwi ng probinsya, kailangan may pasalubong," wika ng admin ng page na si Floyd sa caption ng litrato.
"'Yong lata po ng assorted biscuit ang lagi naming dala noon pauwi ng probinsiya galing ng Manila. Hanggang ngayon bumibili pa rin po ako niyan kapag umuuwi sa amin. Lalo ko naaalala 'yong kabataan ko," kuwento ng social media user na si Erth En Fayr.
"Ang sarap ng panutsa!" kumento ni Agnes Arellano Parac na tumutukoy sa isa sa mga pasalubong na nasa litrato.
"Laging pasalubong noon from Manila to province ang assorted bisquits sa lata. Kapag naubos na iyong laman, ang lata ay gagawing bigasan," saad ni Josephine Callejo.
"Bahala na walang biscuits basta may mani. Kahit anong klaseng luto ng mani is my favorite since bata ako," sabi ni Melai Alcampor.
"'Yan po ang pinampapasalubong namin kapag umuuwi sa Mindoro," pagbabalik-tanaw ni Jovelyn Cahilo Bergonia. "Dumadaan po kami ng Batangas. Mani na matamis at assorted biscuits ang binibili."
"Hindi kumpleto ang bakasyon kung walang dalang pasalubong sa kamag-anak at kapit-bahay," ayon naman kay Menchie Cadungon.
Ikaw, ganito rin ba ang nakaugalian sa inyo? Ano ang madalas mong iuwi sa mga kamag-anak at kaibigan mo sa probinsya?
No comments:
Post a Comment