Kulambo, kulambo, bahagi ng ating kabataan, lalo na kung ika'y nakatira sa masukal na kapaligiran.
Kinalabit ng isang Facebook post ang mga netizens kaugnay sa isang larawan ng kulambo. Bagama't pangkaraniwan na sa mga pamilyang Pinoy ang moskitero (ibang katawagan sa kulambo) bilang pananggalang sa mga malulupit na lamok at langaw, ang kulambo sa paa ay humakot ng pansin at naghatid ng kaaliwan sa mga netizens.
"Di ka matutulog kapag walang ganyan sa paa nyo," pagbabahagi ni Norman Garcia sa Nostalgia Philippines group page.
Makikita sa larawan ang dilaw na kulambo na nakabalot sa isang pares ng paa.
Sa hindi pa nakaranas gumamit ng kulambo, marahil ito'y isang katatawanan. Paa mo lang ba ang ayaw mong madapuan ng langaw at makagat ng lamok? hahaha
Ganito kasi ang pangkaraniwang paggamit ng kulambo.
Bakit nakakulambo ang mga paa?
Bumuhos ang reaksyon sa post na ito ng kulambo sa paa. Grabe, ang dami palang naka-relate. Pagbabahagi ng netizens sa comments section na umabot na sa halos 550, isa itong 'necessity' para makatulog nang mahimbing!
"Relate much' ang karamihan sa mga nagkomento at itinag pa ang mga kaanak o kaibigang makare-relate din dito. May nagbahagi rin naman na "Kasabihan ng matatanda pag ganyan ka? ipinaglihi ka raw sa isda, depende sa isda kung anong isda." Hala!
"Di ako makakatulog pag walang kulambo at mas nangangati ako pag walang kulambo" lol
Ayan, may mga nagbahagi ng nga ng mga 'katibayan' sa pamamagitan ng mga larawan.
"Dati anak ko ginawan ko pa nga ng unan nakabalot sa kulambo, for paa only."
"Eto hanggang ngayon tong mga anak ko 35 at 38 anyos na at may pailya na pero kahit work from home at nag mi meeting sila sa opis on line pero tignan mo mga paa nakabalot ng kulambo at kinikiskis pa, bibili ng kulambong bago saka nila tatabasin at hati sila."
Aba, kahit pala hindi pampatulog ay hinahanap ng mga paa ang kulambo?
"Relate noong binata pa po ako sa kalumbo ako nakadantay 3 tali nakasabit habang dun ako nkdahan, ngayong may asawa na ako gumupit na lang ako ng ginagawa kong higaan at kapag nakaupo nakabalot sa unan habang nakapatong ang paa."
Mayroon din namang mga na-curious at gusto tuloy subukan kung 'therapeutic' ba sa pagtulog ang ganitong paglalagay ng kulambo sa paa. Well, may naoorder na kung ayaw mong bumili ng isang buong kulambo.
No comments:
Post a Comment